Mas malala! Regine Velasquez, sinabihan na "cannot afford" sa isang high-end store

Mas malala! Regine Velasquez, sinabihan na "cannot afford" sa isang high-end store

- Mas malala! May mas malala pala na nangyari kay Asia's Songbird Regine Velasquez sa isang high-end store

- Pagsiwalat pa ni Songbird sa presscon ng 'Iconic' concert nila ni Megastar Sharon Cuneta ay hindi pala ang pang-de-deadma sa isang high-end store ng favorite niyang luxury shoes sa New York ang pinakamalala na nangyari sa kanya

- Hindi pala yun ang first time na nangyari sa kanya, pag-amin pa ni Regine sa interview ng press

- Aniya, ang pinakamalala na nangyari sa kanya ay yung tiningnan siya mula ulo hanggang paa at sinabi sa kanya na hindi raw niya kaya ang presyo

- Lahad pa ni Regine na hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin siya ng pang-de-deadma at diskriminasyon sa ilang mga high-end stores

- Inamin din ni Songbird na kapag nagsha-shopping siya ay hindi raw siya nag-aayos dahil tinatamad daw siyang mag-ayos kaya nasasabihan umano siyang "cannot afford"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mas malala talaga ang unang nangyari kay Regine Velasquez sa isang high-end store at spotted ng KAMI ang pagbubunyag na ito ni Asia's Songbird sa presscon ng 'Iconic' concert nila ni Megastar Sharon Cuneta.

Mas malala! Regine Velasquez, sinabihan na "cannot afford" sa isang high-end store

Source: YouTube/Kiko Escuadro
Source: Instagram

Hindi pala ang pang-de-deadma sa isang sikat na high-end store sa New York na tindahan ng luxury shoes na paborito ni Regine ang pinakamalala na na-experience niya at hindi rin daw iyon ang kauna-unahang naranasan niya.

Paglalahad pa ni Songbird, ang pinakalala ay iyong tiningnan siya mula ulo hanggang paa at sabihan na hindi niya kaya ang presyo.

"Mayroon akong mas malala na titingnan ako mula ulo hanggang paa and sasabihin sa akin, 'I don't think you can afford it.' Oo, ganu'n, but that's not here, but I don't mind."

Inamin din ni Regine na hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin siya ng parehong pang-de-deadma at diskriminasyon sa ilang high-end stores at ito raw ay dahil hindi siya nag-aayos kapag nagsha-shopping kaya napagkakamalan siya na "cannot afford."

"Actually, na-experience ko pa rin 'yan ngayon. Kasi 'pag nag sa-shopping ako, hindi rin naman ako naka ayos, so madi-discriminate ka talaga. Kung in my case kung mukha kang basura, na mukha kang cannot afford."

Paliwanag naman ni Asia's Songbird kung bakit di siya nag-aayos.

"Kasi tinatamad naman ako mag-ayos , alam mo 'yun. I just want to be myself, with my jeans."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ang pasabog na ito ni Songbird ay inilahad niya pagkatapos mag-viral ang pang-de-deadma sa kanya ng mga sales attendants ng isang sikat na high-end brand store sa Tate.

Regine Velasquez, kilala sa mundo ng showbiz bilang ang Asia's Songbird na dating Kapuso sa halos dalawang dekada at ngayon ay isang ganap na Kapamilya na. Mister niya ang isa pang multi-awarded artist na si Ogie Alcasid na parehong makikita sa ASAP.

POPULAR: Read more news about Regine Velasquez here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask ‘Tricky Questions’ to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel