Babaeng lumapit kay idol para magreklamo, nilaglag ng kanyang sariling tiyahin

Babaeng lumapit kay idol para magreklamo, nilaglag ng kanyang sariling tiyahin

- Sa halip na kampihan tila nabaligtad pa ang nagrereklamong babae ng kanyang sariling tiyahin

- Ito ay matapos nitong idulog kanyang reklamo laban sa dating kinakasama

- Maging ang mga netizens, may mga samu't sari ring komento kaugnay ng reklamong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa halip na kampihan, tila inilaglag pa ng kanyang sariling tiyahin ang babae na nagrereklamo laban sa dating kinakasama.

Nag-ugat ang lahat nang ireklamo ni Nylle Camellon ang kanyang dating kinakasama na si Norbin Ramirez dahil sa hindi pagsusuporta sa kanilang anak.

Ngunit ang matindi rito, tila ang tiyahin ni Camellon na si tita Lucifin mismo ang naging kakampi ni Ramirez.

Ibinuking nito na mayroon umanong asawa sa probinsiya ang pamangkin ngunit nagkaroon ng relasyon nang manirahan na sa kanila.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon pa kay Lucifin, matigas ang ulo ng kanyang pamangkin. Noong una raw ay sa kanya ito naninirahan ngunit nilayasan din sila at inaway.

Sabi pa nito, makailang beses pa raw nangupit sa kanyang tindahan ang pamangkin!

Inamin din ni Lucifin na wala siyang tiwala kay Camellon lalo pa pagdating sa sustentong ipinangako ni Ramirez dito.

Samantala, bagamat inamin ni Ramirez na hindi siya nakakapagbigay ng sustento, itinanggi naman nito ang paratang sa kanya ni Camellon na siya ay nananakit.

Sinubukan naman silang pag-ayusin ni Raffy Tulfo ngunit nagmatigas na si Camellon.

Pero ayon kay idol Raffy, pareho lamang na may pagkakamali ang dalawa.

Samantala, narito naman ang ilan sa mga komento ng ilang netizens kaugnay ng reklamong ito:

"Sorry to say una palang,sinungaling ang babae. Sabi kona nga may something si mylle, akala kakampihan ni idol."

"Ay naku girl. dapat yung tita mo na tumutulong sayo nagbibigay respeto ka saknya..buti nga bait ng tita mo."

"Miss off shoulder una pa lang may something ka na."

"Muntanga. Ikaw lang din napahiya sa reklamo mo. Nagmultiply into thousands mga bashers mo dai."

"Kawawa anak ng mga ito. Isang madamot at isang sinungaling. Parehong immature."

"Awang awa ako ky ate sa part 1 ngayon d ko na alam."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Raffy Tulfo aired strong words against the Yllana brothers amid the controversy surrounding Yllana Brothers School. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel