Pangakong tulong ng Star City, napako raw ayon sa mga empleyado

Pangakong tulong ng Star City, napako raw ayon sa mga empleyado

- Ilan sa mga empleyado ng Star City ang lumapit na sa programa ni Raffy Tulfo para idulog ang reklamo nila laban sa kompanya

- Ayon sa mga ito, sinabi raw sa kanila ng Human Resource Manager ng Star City na wala silang maaasahang tulong pinansiyal mula sa kompanya

- Sa kabila ito ng naging pahayag ng kanilang spokesperson na mabibigyan ang mga apektadong empleyado ng financial assistance

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang malaking dagok para sa mga empleyado ng Star City ang trahedyang tumupok dito noong isang linggo, na una nang naibalita ng KAMI.

Bukod kasi sa walang kita sa loob ng anim na buwan na rehabilitasyon sa lugar, kalbaryo pa ang kanilang mga araw-araw na pangangailangan.

Kaya naman ilan sa kanila ang naglakas-loob na raw na idulog sa programa ni Raffy Tulfo ang kanilang reklamo laban sa kompanya.

Kamakailan daw kasi ay sinabi ng Human Resource Manager ng Star City na wala silang aasahan na tulong sa ngayon mula sa kompanya.

Isang video pa ang ipinakita ng mga ito noong sinabi ito ng HR Manager sa isang meeting.

Sa kabila ito ng naging pahayag ng Spokesperson ng Star City na si Ed De Leon na magbibigay ang kompanya ng tulong pinansiyal sa lahat ng kanilang empleyado.

Ngunit nang makausap na si De Leon ni Tulfo ay itinanggi na nito ang naging pahayag.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Anito, hindi naman daw sila magsasara kung hindi sasailalim lamang sa rehabilitasyon na tatagal ng anim na buwan.

Ang mga dati na raw empleyado ang siyang kukunin para rito. Taliwas naman ito sa nakuhang impormasyon ng mga empleyadong nagrereklamo mula rin sa HR.

Base naman kay Asec. Jojie Aragon ng Department of Labor and Employment, may mga programa ang ahensiya para sa mga empleyadong apektado ng mga ganitong insidente.

Inanyayahan naman nito ang mga nagrereklamo at panig ng Star City upang magkaroon ng pag-uusap sa kanilang tanggapan para mas malinawan kung ano ang posibleng maitulong sa mga ito.

Nangako naman si De Leon na makikipag-ugnayan sa HR team ng kompanya para mas mabigyang linaw ang mga naging pahayag ng mga ito.

Nanawagan naman ang mga nagrereklamong empleyado sa pamunuan ng Star City na kung maaari ay mabigyan sila ng tulong.

Hinihiling din ng mga ito na mapabilis ang pagbibigay sa kanila ng kanilang 13th month pay para na rin sa kanilang mga pangangailangan.

Samantala, sa isang article ng KAMI, sinabi ng mga awtoridad na posibleng arson o sadyang panununog ang dahilan ng sunog sa Star City.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Raffy Tulfo aired strong words against the Yllana brothers amid the controversy surrounding Yllana Brothers School. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel