Reply ng lalaki sa nakadisgrasya ng kanyang kotse, hinangaan ng mga netizens
- Viral ang naging reply ng lalaki sa nakadisgrasya ng kanyang kotse
- Nakikiusap ang rider na kung pwedeng mas mababang halaga ng gulong ang ipalit sa nadisgrasya niyang sasakyan
- Imbis na pumayag, mas magandang sagot ang nasabi ng may-ari ng kotse
- Parehong napuri ng netizens ang rider at may-ari ng kotse dahil sa maayos na pamamaraan nila inayos ang naging problema
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hinangaan ng netizens ang reply ng isang lalaki sa rider na nakadisgrasya ng kanyang kotse.
Binahagi ni Mark Tangco ang naging usapan nila ng rider na nakiusap sa kanya na kung maari ay mas mababang halaga ng gulong ang kanyang ipalit.
Marami rin daw kasing pinagkakagastusan ang rider at marami rin daw siyang utang.
Ang masaklap, nagka-sore eyes pa siya ng isang linggo kaya naman di rin siya nakapasok sa trabaho.
Dahil dito, nagbaka sakali ang rider na makiusap kay Mark.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Nakamamanghang di na pinabayaran pa ni Mark ang naging disgrasya ng rider sa kanyang kotse.
Naiintindihan daw niya ang sitwasyon ng rider at pinaalalahanan na lamang niya ito na mag-ingat sa pagmamaneho lalo na kung ito ay may angkas.
May caption ang post na "Diyos nga nagpapatawad tayo pa kaya? Let go and grow! Ride safe sa lahat!"
Tunay na nakakabilib ang mahinahong usapan na ito ng dalawang motorista.
Pareho silang hinangaan ng netizens sa pinakita nilang pakikitungo sa isa't isa.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Narito ang ilan sa mga komento mula sa viral post:
"+100 kay kuya, hindi nya tinakasan yung kasalanan nya. kung sa iba yan baka sila pa galit tapos tapat sya na hindi nya kaya ung ganon +100 rin sayo kuya napakabuti kong tao, di lahat nakakapagpatawad at mahinahon."
"Dapat tularan ang mga ganitong tao, di tumatakbo sa resonsibilidad, habang ang isa naman ay umuunawa ng sitwasyon ng isa"
"Sobrang nakaka proud ang mga ginagawa mo."
"That's why you're so blessed and your family.Good job.God bless your family always."
"Sana all ganto pero wag naman abusuhin mga gantong tao"
"Sana lahat ndadaan sa maayos na usapan, godbless sir"
"Bihira lang gumagawa neto utol, pero kung ganto makiusap ung tao na ramdam mo tingin ko worth it naman ipag pa liban nalang lalo nat mas nakaka angat ka sa kanya.. God Bless paps, mas pag palain ka sana"
"Bihira lng ganyan ugali ng tao sa totoo lng madalas kasi init ng ulo pinapairal. God bless ingat nlng sa susunod"
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words
Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh