Justin Bieber, fina-follow ang ilang Pinoy celebs! Sue Ramirez, di raw siya yung finallow ng superstar

Justin Bieber, fina-follow ang ilang Pinoy celebs! Sue Ramirez, di raw siya yung finallow ng superstar

- Justin Bieber, fina-follow daw ang ilang mga Pinoy celebrities at ito ay lumabas pagkatapos nag-viral ang pag-follow umano ng superstar kay Sue Ramirez sa Twitter world

- Ayon pa sa balita, fina-follow niya sina Vivoree Esclito, Ella Cruz, Darren Espanto, at KC Montero.

- Muli din daw niyang finallow si Liza Soberano na una niyang finallow noong 2014 pero in-unfollow kalaunan

- Sue Ramirez, isiniwalat sa entertainment press na hindi raw siya yung finallow ni Justin Bieber

- Isang direct message sa Instagram ang pinadala ni Sue para ipahayag na ang naturang account ay poser pala

- Ang account handler na @sueannedoodles na may mahigit na 800k followers ay hindi ang totoong page ng Kapamilya actress

- Dagdag pa ni Sue, ang kanyang legit na account ay may username na @sueanna_dodd at meron itong higit sa 300k followers.

- Netizens, bumuhos ang reaksyon sa nasabing nakakawindang na balita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Justin Bieber, fina-follow pala ang ilang mga Pinoy celebrities at ang balitang ito ay napag-alaman ng KAMI pagkatapos mag-viral ang pag-follow umano ng superstar sa Kapamilya actress na si Sue Ramirez.

Justin Bieber, fina-follow ang ilang Pinoy celebs! Sue Ramirez, di raw siya yung finallow ng superstar

Source: Instagram/Ella Cruz/Sue Ramirez/Justin Bieber/Liza Soberano
Source: Instagram

Fina-follow daw ni Justin Bieber ang mga Kapamilya stars na sina Vivoree Esclito, Ella Cruz, Darren Espanto, at KC Montero, ayon pa sa balita na aming naispatan sa push.com.ph.

Dugtong pa sa ulat, muli raw na finallow ni Justin si Liza Soberano na una niyang finallow noong 2014 pero in-unfollow kalaunan.

Gayunpaman, ibinunyag ni Sue sa pamamagitan ng direct message sa nasabing Kapamilya entertainment press site na hindi raw siya ang na-follow ni Justin.

Ani pa raw ni Sue:

“It’s not my account. It’s a poser account."

Patuloy pa ng 23-year-old actress, ang kanyang totoong account ay @sueanna_dodd.

Dahil dito ay dumagsa ang mga netizens at bumuhos ang samu't-saring reaksyon tungkol dito sa online world.

"It's a classic form of reciprocity. You follow him, he'll follow you. Nothing to be ecstatic about."
"Ay, sayang! Di pala si Sue Ramirez yung finallow talaga ni Justin Bieber."
"Sad naman, mas marami pang followers ang poser kay sa tunay na si Sue. Guys, double check din tayo minsan."

ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Tinadtad din ng bwelta kamakailan ang isang poser na nagpa-ulan ng mga di kaaya-ayang mga komento kay Melissa Ricks sa Instagram.

Justin Bieber, Canadian singer-songwriter na sumikat ng husto sa buong mundo dahil sa kanyang mga kanta na pinasikat.

Kamakailan ay kinasal kay Hailey Baldwin sa ikalawang pagkakataon.

Sue Ramirez, Kapamilya actress na bumida rin sa ilang mga shows at teleserye ng naturang istasyon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask ‘Tricky Questions’ to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel