Babaeng pasahero, nangambang na-video di umano siya ng kasakay sa jeep

Babaeng pasahero, nangambang na-video di umano siya ng kasakay sa jeep

- Binahagi ng isang babaeng netizen ang nakakaalarma niyang karanasan sa jeep

- Na-video niya kung paano pinuwesto ng lalaki ang cellphone na nakatutok umano na tapat ng babae

- Hinala ng babae, kinukunan ng lalaki pasahero ang parteng hita niya para makaboso

- Magsilbi raw itong babala sa mga maaring makasabay din ng lalaking ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lakas loob na binahagi ng netizen na si Janine Badillo ang nakakaalarmang karanasan niya sa jeep.

Ayon sa Yahoo Philippines, pauwi na si Janine sa Laguna nang mapansin niya ang lalaking katapat niyang may hawak na cellphone.

Sa pagkakapuwesto pa lamang daw ng lalaki ng cellphone nito, hinala na agad ni Janine na siya'y kinukunan nito ng video.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ang masaklap pa nito, natakot ang babae na ang parteng hita niya ang sinusubukang kunan ng kapwa pasahero.

Mapapansin kasing naka-palda si Janine kaya marahil nagawa ito ng lalaki.

Mas lalo siyang nagsuspetsa nang biglang lumitaw ang flash ng cellphone ng katapat.

Narito ang video mula sa viral press:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Madalas na kasi itong mangyari sa mga smartphones ngayon kung saan automatic na ang flash kung madilim ang lugar na kukunan ng larawan o video.

Ayon pa kay Janine, binahagi niya ito upang magsilbing babala sa mga kapwa niya sumasakay ng mga pampasaherong jeep.

Binahagi rin niya ito nang sa ganun nang di na muling ulitin ng lalaking ito ang kanyang ginawa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel