Resignation ni Albayalde, walang katotohanan ayon sa PNP

Resignation ni Albayalde, walang katotohanan ayon sa PNP

- Pinabulaanan ng Philippine National Police ang umuugong na balitang nag-resign na si Gen. Oscar Albayalde

- Ito ay kaugnay ng pagkakadawit umano ng kanyang pangalan sa mga tinatawag na "ninja cops" na nagrerecycle ng mga nasakoteng droga

- Binigyang linaw ito ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac sa pamamagitang ng mensaheng pinadala sa ABS-CBN

- Hinihintay din nila ang d ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa sitwasyon ni Albayalde

- Magreretiro na rin ang ngayo'y kontrobersyal na heneral sa Nobyembre 8

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ng Philippine National Police ang kumakalat na balitang nag-resign na di umano si Gen. Oscar Albayalde.

Ayon sa ABS-CBN news, nakatanggap sila ng mensahe mula kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac pinabulaanan nito ang balitang resigned na si Albayalde.

Nalaman ng KAMI na ito ay kaugnay ng pagkakadawit umano ng kanyang pangalan bilang nagpoprotekta sa mga "ninja cops" na di umano'y nagre-recycle ng mga nasakoteng droga.

Ayon sa ulat ni Catherine Gonzales ng Inquirer, sinabi ng presidential spokesperson na nakasalalay pa rin kay Pangulong Duterte ang magiging kapalaran ni Albayalde sa kanyang posisyon.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nakatakda na rin kasi itong mag-retiro sa Nobyembre 8 ng kasalukuyang taon.

Nilinaw din ni Banac na magpahanggang ngayon, wala pa namang mabigat na ebidensya laban sa heneral kaya ang lahat ay pawang mga alegasyon at akusasyon pa lamang.

"It seems that everybody is ganging up on me and that it’s as if I’m being crucified already," pahayag mismo ni General Albayalde.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Resignation ni Agbayalde, walang katotohanan ayon sa PNP

source: ABS-CBN news
Source: Instagram

Si Albayalde ang pangalawang PNP chief sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Siya ang pinuno ng Pampanga police noong 2013 nang akusahan ang 13 na mga opisyales ng pagnanakaw ng 160 kilo ng pinagbabawal na gamot laban sa isang suspected Chinese drug lord.

Ayon pa kay Banac, pinabulaanan din ng heneral ang sinasabing pagtawag niya kay Colonel Lacadin na dating deputy of General Magalong in CIDG kaugnay ng Pampanga drug raid.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel