Pak, ang yaman! Pinoy showbiz superstars na spotted na may pak na pak na negosyo rin

Pak, ang yaman! Pinoy showbiz superstars na spotted na may pak na pak na negosyo rin

- Pak, ang yaman! Ang karamihan sa mga komento ng netizens kaugnay sa mga Pinoy showbiz superstars sa bansa na bukod sa kasikatan at hitik na karera sa pag-aartista ay spotted rin ang pak na pak na negosyo nila

- Sila ang iilan lang sa napag-alaman namin na maliban sa kasikatan na natatamasa sa entertainment world ay mga certified negosyante rin pala

- Ika pa nila, hindi lang pang-showbiz kung di pang-negosyo rin ang mga beauty at kagwapuhan nila at mga wais pagdating sa pag-iipon at investments

- Marami namang mga netizens ang humanga at napabilib sa kanilang pagkamasipag, pagkawais, at pagkamasinop pagdating sa kanilang pinaghirapang pera.

- At lumalago ang kanilang mga negosyo dahil na rin ang pinili nilang negosyo ay ang kanilang mga gusto, hilig, at mahal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pak, ang yaman talaga ng mga Pinoy showbiz superstars na ito na spotted ng KAMI ang mga pak na pak na negosyo.

Pak, ang yaman! Pinoy showbiz superstars na spotted na may pak na pak na negosyo rin

Source: Instagram/Flora Vida/Adorata Weddings/Alex Gonzaga
Source: Instagram

Iilan lang sila sa mga napakasikat sa entertainment industry na napag-alaman namin na bukod pa sa kasikatan na tinatamasa ngayon ay mga certified entrepreneurs pa.

Toni, Alex Gonzaga

Ang 'Royalty Sisters' ng showbiz na sina Alex at Toni Gonzaga ay nag-open ng kanilang ika- 90th store ng Happy Cup.

2017 nang nagsimula ang magkapatid na superstars sa kanilang negosyo at una na nilang inamin na fave nila ang ganitong refreshments.

Vice Ganda

Gaya ni Unkabogable Phenomenal Superstar Vice Ganda, ang kanyang mga negosyo na Vice Cosmetics, District 8 resto, at Valkyrie ay sobrang sikat na rin at hitik sa pila na parang mga blockbuster movies ni meme sa MMFF na pinipilahan.

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo

Mapapa-cheers ka naman talaga kapag ikaw sina Soap Opera Queen Judy Ann Santos at Eat Bulaga dabarkad Ryan Agoncillo dahil sobrang galit na galit sa sarap ang mga parokyano nila sa kanilang matagumpay na resto na 'Angry Adobo (Made with Love)' restaurant.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kim Chiu

Partner din pala si Chinita Princess Kim Chiu ng Adorata Weddings boutique nina Pepsi Herrera at Edwin Tan, ayon pa sa balita na una naming naispatan sa news.abs-cbn.com.

Bukod pa sa siksik na trabaho nito ay certified entrepreneur din pala si Kim.

Kathryn Bernardo

Ang Box Office Queen ngayon na si Kathryn Bernardo ay nagbukas naman ng ika-apat na branch ng kanyang KathNails salon na talaga namang super bongga sa pagkasosyal ng mga hand and foot services plus may Swedish massage pa.

Liza Soberano

Hindi rin nagpapahuli ang isa pang Kapamilya superstar sa kanyang negosyo na may bagong magbubukas na branch, ani pa niya sa isa sa kanyang IG posts.

Maliban pa sa kanyang mga blockbuster films at kasikatan sa international scene dahil na rin sa pagkahirang sa kanya bilang 'Most Beautiful Face in the World' ay business-minded din ang pretty actress na si Liza Soberano.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Willie Revillame

Bongga na bongga naman ang kasikatan ng show ni Willie Revillame na Wowowin at pati na rin ang kanyang mga negosyo gaya ng Wil Tower ay talaga namang asensado rin at sikat na sikat rin ngayon.

Marian Rivera

Sosyaling pa-bulaklak naman ang bida na negosyo ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na talaga namang bagay na bagay sa kanyang walang kupas na mala-dyosang ganda.

Bukod pa sa napakaraming endorsements at Tadhana tapings ay isang certified na wais na misis rin si Marian.

At hindi rin maikakaila ang pagiging hands-on nanay ni Marian Rivera.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask ‘Tricky Questions’ to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel