Groom na kailangang operahan sa utak, pinakasalan ang kanyang bride sa ospital

Groom na kailangang operahan sa utak, pinakasalan ang kanyang bride sa ospital

- Sa ospital na ikinasal ang couple na ito mula sa Pennsylvania

- Ito ay matapos mangyari ang mga kakaibang bagay habang sila ay naghahanda para sa kanilang espesyal na araw

- 220 ang inaasahang bisita ng dalawa para sa kanilang kasal ngunit nauwi na lamang ito sa wala

- Aminadong natakot ang bride na di na iniisip ang magarbong kasal kundi ang kaligtasan lamang ng kanyang groom

- Mas lalo raw tumatag ang kanilang pagsasama dahil sa pagsubok na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang bumilib kina Timothy Berty at Jessica Berty na mula Pennsylvania dahil sa pagpapatunay ng katatagan ng kanilang pag-iibigan.

Ayon sa ulat ni Alexandria Hein ng Fox News nitong Oktubre 8, nauwi sa simpleng kasalan sa ospital ang dapat na magarbo at dadaluhan ng nasa 220 na katao na pag-iisang dibdib ng dalawa.

Ngunit, ilang araw bago ang seremonya, may mga kakaibang nangyayari na kay Timothy.

Nang naghahanda sila ng venue, bigla na lamang nakatulog sa ibabaw ng mga mesa at lapag si Timothy.

Sa rehearsal naman nila para sa napipintong kasal, tila kinakain na ni Timothy ang kanyang sinasabi at di na nila ito maintindihan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Dahil sa mga pangyayaring ito, isinugod na nila sa ospital ang groom.

Doon napag-alamang mayroon siyang sinus infection na siyang sanhi ng pamamaga ng kanyang utak.

Umaga ng araw dapat ng kanilang kasal, agad na ini-schedule si Timothy para sa kanyang operasyon.

Sa panayam ng South West News Service o SWNS, tila nawala na rin sa isip ng bride ang kanilang kasal at ang inaalala lamang ay ang kaligtasan ng mapapangasawa.

“Honestly, I wasn’t really thinking about the wedding at this point, It was more like, ‘How is this happening? We are supposed to be starting our lives and he could die.’ It was scary and I cried a lot,” ayon kay Jessica.

Ang sinus infection ay madalas maisawalang bahala dahil sa mga pangkaraniwan nitong sintomas tulad ng pananakit ng ulo at pagbabara ng ilong.

Sa kaso ni Timothy, lubhang delikado na ito dahil naapektuhan na ang kanyang utak.

Samantala, dahil handa na ang lahat para sa kanila sanang pag-iisang dibdib, pinapunta pa rin ng kanilang pamilya ang mga bisita upang pagsaluhan ang kanilang inihanda.

Habang si Timothy naman ay nasa induced coma ng dalawang araw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Imbis na i-reschedule ang kasal, ginawa na nila mismo ito pagkagising ni Timothy sa tulong ng isa nilang kaibigang ordained minister doon mismo sa kwarto niya sa ospital.

Tumagal din siya ng 23 na araw doon. Nang makalabas, halos nagpahinga lamang siya ng ilang linggo at muling ibinalik sa ospital upang tapusin ang proseso ng kanyang pagpapagaling at muling operahan para naman sa skull restoration nito.

Laking pasalamat ni Jessica na nalampasan nila ang pagsubok na ito at sinabing mas lalong tumatag ang kanilang pagsasama dahil dito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel