20-anyos na mangingisda, patay nang sakmalin ng buwaya

20-anyos na mangingisda, patay nang sakmalin ng buwaya

- Patay ang isang 20-anyos na mangingisda nang sakmalin ito ng malaking buwaya

- Nabangga umano ang buwaya ng bangkang sinasakyan ng mga nanghuhuli ng pusit

- Sa laki nito, nakaya niyang pataubin ang bangka dahilan para mahulog ang mga mangingisda

- Ayon sa ilang saksi, nakita pa umano nila ang katawang ng lalaking kagat-kagat ng buwaya

- Kinailangang patayin muna ang buwaya upang makuha ang bangkay ng lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 20-anyos na mangingisda nang masakmal ito ng malaking buwaya sa Palawan.

Sa ulat ni Lynette dela Cruz ng ABS-CBN News, nanghuhuli raw noon ng pusit ang mga magningisdang nagngangalang Junick Husin at Edgar Legazpi.

Di nila sinasadyang mabangga ang buwaya na umalma at nagalit sa pangyayari.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Dahil may kalakihan ito, nagawa niyang pataubin ang bangka.

Nahulog ang dalawang mangingisda ngunit agad namang nasakmal ng buwaya si Husin habang nakalangoy palayo si Legazpi.

Nakahingi ito ng tulong ngunit sa kasamaang palad, di na raw gumagalaw ang biktimang napatay na ng buwaya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa panayam kay Police Major Ric Ramos na tagapagsalita ng Palawan Provincial Police Office, kinailangan nilang patayin ang malaking buwaya para makuha ng maayos ang bangkay ni Husin.

Samantala, tinatayang nasa limang insidente na ng pangangain ng buwaya sa Balabac, Palawan ang naitala ngayong taon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel