Netizen, ibinahagi ang kwento ni lolo at lola na walang iwanan kahit sa kahirapan

Netizen, ibinahagi ang kwento ni lolo at lola na walang iwanan kahit sa kahirapan

- Tampok sa social media ngayon ang kwento ng dalawang matanda sa Maguindanao

- Ayon sa isang netizen, hindi raw naghiwalay si lolo at lola kahit na sila ay nahihirapan

- Maging mga netizens ay naantig sa kwento ng dalawang matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng isang netizen ang kwento ng dalawang matanda na tila hindi sumusuko sa isa’t-isa kahit na sila ay may pinagdadaanan.

Nalaman ng KAMI na sa hirap o ginhawa ay hindi naghiwalay si lolo at lola.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Jerry T. Ledesma, gusto niyang humingi ng tulong sa mga kinauukulan at sa mga tao upang matulungan na rin ang dalawang matanda.

“Idadaan ko lang po sa wall nyo ang dalawang matandang ito na kahit anung mangyare sa hirap o ginhawa never nila iniwan ang isat isa habang silay nabubuhay,” giit ni Jerry.

“Sana matuunan natin ng pansin at matulungan man lang sila kahit sa pamamagitan ng pag share ay malaking tulong na po para makarating sa kina uukulan,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon sa post ni Jerry, nakatira sina lolo at lola sa Barangay Damakling, Paglat, Maguindanao.

Samantala, pumukaw naman sa damdamin ng mga netizens ang kalagayan ng dalawang matanda. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Lord s po mbubuting loob n tulungn si Lola at Lolo”
“Sana po matulungan po sila nakakaawa naman po”
“Na saan ang mga anak Nila nakaya Nila ang ka ilang mga magulang na ganyan nakakadurog NG damdamin”
“Lola laban lang po tayo..tutolongan tayo ni papa God..”
“Dapat tlga matulungan ng ating gobyerno cla. isa lamang cla s mga taong biktima ng kahirapan s buhay.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Robin Padilla Defends Mariel Rodriguez Having Baby In The US. This issue has caused a lot of controversy on social media. And this is what Robin Padilla has to say to critics — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel