Nasa 13 na sangkot sa kontrobersyal na pagkamatay ng PMA cadet, kinasuhan na

Nasa 13 na sangkot sa kontrobersyal na pagkamatay ng PMA cadet, kinasuhan na

- Nagsampa na ng kaso ang pamilya ni Darwin Dormitorio kaugnay sa kontrobersyal na pagkamatay nito

- Hazing, torture at murder ang mga kasong haharapin ng mga sangkot sa krimen

- 7 ang mga kadete habang 6 na mga officers naman ang sinampahan ng kaso

- Ayon sa kapatid ni Darwin na si Dexter, umpisa pa lamang ito ng laban ng kanilang pamilya upang makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kadete

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pormal nang nagsampa ng kaso ang pamilya ng freshman cadet na si Darwin Dormitorio ukol sa kontrobersyal na pagkamatay nito noong Setyembre 18.

Ayon sa ABS-CBN, nagsumite na ng criminal complaints ang kapatid ni Darwin na si Dexter nitong Martes, Oktubre 8 kay Baguio City Prosecutor Erwin Sagsago.

Akusado sina Cadet Third Class Shalimar Imperial, Felix M. Lumbag Jr.,John Vincent Manalo, Julius Carlo Tadena, Rey David John Volante, Cadet Second Class Christian Zacarias at Cadet First Class Axl Ret Sanopao sa paglabag sa anti-hazing law, torture at murder.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kabilang na rin ang mga officers na sina Maj. Rex Bolo and Capt. Jeffrey Batistiana, maging ang mga doktor na sina Col. Cesar Candelaria, Capt. Apple Apostol at Maj. Ofelia Beloy.

Kasama ni Dexter ang kanilang abogado at si Police Office chief Allen Ray Co.

Ayon sa panayam ng Rappler sa kapatid ni Dormitorio, nasabi nitong ito ay simula lamang ng pagkamit nila ng hustisya sa walang-awang pagpapahirap at sanhi ng pagkamtay ni Darwin.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Gumawa ng malaking ingay ang pagkamatay ng kadeteng nagawa pang isalaysay ang mga paghihirap sa kanya sa PMA sa pamamagitan ng kanyang journal.

Matinding hirap ang dinanas ni Dormitorio sa kamay ng kanyang mga upperclassmen na di lamang naganap ng isang beses kundi paulit-ulit.

Maging si Pangulong Duterte ay nagpahayag ng galit sa pinaniniwalaang 'hazing' na ginawa sa pumanaw na kadete.

Maaalalang sa naunang ulat ng KAMI, isa sa naging dahilan ng pananakit ng mga upperclassmen kay Darwin ay ang combat boots nitong kanyang naiwala.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel