Netizen, nais matulungan ang PWD na kawayan ang ginawang binti't paa para makalakad

Netizen, nais matulungan ang PWD na kawayan ang ginawang binti't paa para makalakad

- Viral ang larawan ng lalaking sakay sa jeep na putol ang binti at paa

- Nakita ito ng netizen at nais daw niyang matulungan ang lalaki

- Hangad din ng karamihan na matulungan ang lalaki upang mas maging komportable ito sa kabila ng kanyang kapansanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw pansin ang post ng isang netizen kung saan nakunan niya umano ng larawan ang lalaking nakasakay niya sa jeep.

Binahagi rin ng Filipino Story ang orihinal na larawang kuha ni Sheena Ituriaga Gallego.

Ayon kay Sheena, nais lamang niyang matulungan ang PWD dahil sa nakita niyang kalagayan nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Mapapansin kasing gawa sa kawayan ang nagsisilbing kaliwang binti at paa nito.

Nadurog ang puso ng kapwa niya pasaherong kumuha ng larawan.

Maging ang mga ang ibang netizens na nakakita sa post tungkol sa PWD ay naantig ang puso at nais ding matulungan ito ng mayroong kapasidad na mabigyan ito ng artificial leg.

Humanga rin sila sa lalaking ito dahil gumawa siya ng sariling paraan upang makakilos pa rin siya at ipagpatuloy ang buhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sana po may isang mayaman may maganda loob na mag donate ng artificial leg sa taong ito sa tulong ng Panginoon at sa ating mga panalangin Amen"
"Sana po may tumulong nakaawa po makita ang kapatid natin"
"Bilib parin ako kay kuya sa abilidad at creativity. At sa tibay ng dibdib. Saludo ako Sir. Mas mataas parin ang Moral mo kesa sa amin na walang kapansanan. Kakabilib ka Sir."
"Imagine ang mga pulubi mga walang kapansanan, malakas at buo pa pero pa upo upo lng at palimos limos. Buti pa si kuya naghahapbuhay kasi alam nya sa pakiramdan ng hinihingian ng hindi pinaghihirapan"
"Talagang gumawa sya ng paraan malakas ang fighting spirit nya!! Sana Gabayan sya ng Dyos!! Yung iba normal pero gumagawa ng masama sya gumawa ng paraan para mkalakad sya!!"

Mayroon nang 19,000 reactions at 12,000 comments ang naturang post.

Samantala, sa hiwalay na post ng Filipino story PH, nakilala ang PWD na si Darius Senillo na taga- Iloilo.

Nagbigay na rin siya ng kanyang numero sa mga nais magparating ng tulong sa kanya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel