PWD, nabugbog at natutukan ng baril ng kapitan ng barangay dahil sa "i love you text"

PWD, nabugbog at natutukan ng baril ng kapitan ng barangay dahil sa "i love you text"

- Sapul sa video ang pambubugbog di umano ng isang barangay captain sa PWD

- Ito ay dahil daw sa text na "i love you" mula sa PWD na nakita ng asawa ng kapitan

- Dumulog na kay Raffy Tulfo ang ama at kapatid ng biktima upang matulungan silang makamit ang hustisya sa nangyari sa PWD

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo si Ricardo Empaynado kasama ang anak nitong si Roel para makamit ang hustisya sa nangyaring pambubugbog kay Rolando, isang PWD.

Si Rolando ay deaf and mute na anak ni Ricardo na nagtatrabaho bilang isang dishwasher sa restaurant sa San Isidro, Nueva Ecija.

Nakunan sa video ang walang awang pananakit ng barangay captain na si Orlando "Morly" Tolentino kay Rolando dahil lamang daw sa text.

"I love you" ang text ni Rolando sa kapitan na nakita raw di umano ng misis nito.

Lasing daw na sumugod si Tolentino kung saan nagtatrabaho si Rolando at doon tinutukan niya ito ng baril.

Hindi alam ng barangay captain na mayroon pa lang cctv sa kitchen ng restaurant kung saan niya sinugod si Rolando.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Kahit na nagmamakaawa na ang PWD, patuloy pa rin ang pananakit ng kapitan sa kanya.

Ang masaklap pa sa nangyari, mayroon namang nagmalasakit na humingi ng tulong sa pulis na malapit lang ang himpilan kung saan naganap ang pambubugbog ngunit walang rumesponde rito.

Ayon sa saksi, di raw nangahas na mangialam ang mga pulis nang malamang si Tolentino ang nananakit.

Isa raw sa tinitingnang dahilan ng pamilya ng biktima ay ang pagiging pinsan ng kapitan na ito ang alkalde ng lugar.

Di rin lubos maisip ng pamilya ni Rolando na maaring gawin ito sa kanya ni Tolentino gayung kabiruan naman niya ito.

Aminado naman si Ricardo na binabae ang kanyang anak na si Rolando, kaya naman kahit na ito ay PWD, mabiro pa rin ito lalo na sa text.

Samantala, nang sinusubukan nang kapanayamin ng programang Raffy Tulfo in Action ang mga sangkot sa insidente, tila umiiwas ang mga ito at di na sumasagot sa mga tawag.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel