Guro, masayang nakatanggap ng 'buhay na manok' mula sa kanyang estudyante

Guro, masayang nakatanggap ng 'buhay na manok' mula sa kanyang estudyante

- Kakaiba ang regalong natanggap ng isang guro para sa selebrasyon ng World Teacher's Day

- Imbis daw na mga chocolates at flowers na karaniwang natatanggap sa araw na ito, 'native na manok' ang regalo ng isa sa kanyang mga estudyante

- Natuwa maging ang mga netizens sa viral post na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang kakaibang regalo ng isang estudyante para sa kanyang guro.

Binahagi ni Teacher Talon Claude ang mga di pangkaraniwang regalo na kanyang natanggap sa selebrasyon ng World Teacher's Day.

Imbis kasi na mga chocolates, flowers at mga liham, native na manok ang natanggap ng gurong ito.

Bakas ang tuwa sa mukha ng guro maging ng batang lalaki na nagbigay nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Bukod sa buhay na manok, nakatanggap din siya ng saging at dalawang supot ng tinapay.

"It doesn’t matter how expensive or how cheap it is. It’s always the thought that counts," ayon kay Teacher Claude sa kanyang viral post.

Nakakataba raw ng puso ang mga binigay na ito ng kanyang mga estudyante mapasaya lamang siya sa araw ng mga guro.

Maging ang mga netizens at naantig ang mga puso sa mga regalong binigay ng mga mag-aaral ni Teacher Claude.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento at reaksyon:

"Kacute uy..priceless yang mga ganyan mam"
"Hala oi maka touch maam clau.. thoughtful kaau imong estudyante ai..."
"Di ko alam bakit ako naiyak, nakakatuwa ang mga ganitong pangyayari..."
"Masaya rin yung batang nagbigay kay teacher niya"
"Importante naalala niya ang teacher niya!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel