Palaboy na Opera singer, nakatanggap ng donasyong mahigit ₱3 million dahil sa viral video

Palaboy na Opera singer, nakatanggap ng donasyong mahigit ₱3 million dahil sa viral video

- Nag-viral ang video ng palaboy na babaeng tinaguriang 'Subway Soprano'

- Nagbago ang buhay ng palaboy na mala-opera singer ang boses nang ibahagi ng isang police officer na nasa subway ang kanyang performance doon

- Bukod sa lampas $64,000 na nalikom na donasyon, balik sa pagtatanghal ang dati pa lang violinist na si Emily Zamourka

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan, naibahagi na ng KAMI ang nakakamanghang video ni Emily Zamourka, ang ngayo'y tinaguriang "Subway Soprano" dahil sa kanyang husay sa pagkanta.

Agaw pansin si Emily dahil bukod sa ginawa niya ito sa isang Subway sa Los Angeles, kumanta siya habang dala ang mga gamit sapagkat isa pala siyang "homeless" o palaboy lamang.

Sa panayam kay Emily ng CNN, naikwento niya na dati siyang violinist mula Russia.

Nagtungo siya ng Los Angeles noong siya'y nasa edad 20 pa lamang.

Ngunit dahil sa ilang problema at dahil na rin sa pagkakasakit, unti-unting nabago ang takbo ng kanyang buhay.

Dumating sa punto na nagtatanghal na lamang siya sa mga kalsada gamit ang kanyang violin.

Sa kasamaang palad, may umatake pa sa kanya at sinira pa ang violin na pinagkukunan niya ng pinagkakakitaan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Bagaman at tatlong taon na siyang walang tirahan, unti-unti na ngayong nakakabangon mula sa matinding dagok ng buhay si Emily.

Dahil sa kanyang viral video na kuha ng pulis, marami ang nagpaabot ng tulong sa kanya.

Mayroon pang nag-set-up ng GoFundMe page para kay Emily.

Nakalikom na ito ng mahigit $64,000 o nasa mahigit ₱3 million.

Bukod pa rito, naimbita na rin siyang magtanghal sa Little Italy kung saan kumita na siya ng $700.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sunod-sunod na ang biyayang natatanggap ni Emily at isa pa rito ay ang pagbabalik niya sa pagtatanghal bilang violinist at maging sa pagiging mang-aawit.

Samantala, nakilala rin ni Emily ang pulis na nagbahagi ng kanyang performance sa Subway.

Laking pasasalamat niya rito dahil kung hindi dahil sa video na binahagi ng pulis, di parin sana mababago ang buhay ni Emily.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel