Netz, nagdududa na di si Alex ang nagsulat sa YouTube profile! Alex Gonzaga, nag-live stream

Netz, nagdududa na di si Alex ang nagsulat sa YouTube profile! Alex Gonzaga, nag-live stream

- Netz, nagdududa na di si Alex Gonzaga ang nagsulat sa YouTube channel profile niya

- Alex Gonzaga, nag-live stream para i-assure ang 4.54 million subscribers niya

- Inihayag ni Alex na merong nag-try na mag-hack ng kanyang YT channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Netz, nagdududa na hindi si Alex Gonzaga ang nagsulat sa profile ng YouTube(YT) channel nito kaya naman spotted ng KAMI ang live stream video ng superstar vlogger para i-assure ang 4.54 million subscribers niya na siya pa rin ang may hawak ng kanyang page.

Netz, nagdududa na di si Alex ang nagsulat sa YouTube profile! Alex Gonzaga, nag-live stream

Source: YouTube/Alex Gonzaga
Source: Instagram

Hindi magkamayaw ang mga netizens sa kanilang pagdududa na di si Alex ang may hawak ng kanyang YouTube channel dahil may napansin silang kakaiba sa profile nito.

Inisip ng milyon-milyong subscribers ni Alex na baka na-hack ang account nito.

Nag-share pa ng screenshot ang isang netizen sa kanyang IG at tinanong si Alex tungkol dito.

Aniya:

"Is this you @cathygonzaga parang may kakaiba? Nawala yong profile pic mo at Parang nawala din ito "!!!" curios lang po baka na ha-hack na account mo #alexgonzaga"

Dahil hindi pa rin natigil ang pag-alala ng mga fans at followers ni Alex ay nag-live stream na ito at ipinaliwanag na merong sumubok i-hack ang kanyang channel.

Pero natulungan naman daw siya ng Google at di natuloy ang balak ng hacker.

Gayunpaman, tini-try pa na makuhang muli ang profile pic ni Alex sa nasabing channel niya.

Una ng sinabi ni Alex sa isang caption na sinubukang i-hack angkanyang YT channel.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Kamakailan naman ay nag-viral ang pag-hack ng mga social media accounts ni Kris Bernal at naiyak na ibinunyag na humihingi ng $750 ang mga hackers kapalit ng mga accounts niya.

Masaya naman na ibinalita ni Kris na naibalik na sa kanya ang kanyang IG.

Alex Gonzaga, Catherine "Cathy" Cruz Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Si Mikee Morada, isang businessman, ang kasalukuyang boyfriend ni Alex. Naging open sila sa kanilang relasyon noong January 2017. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

POPULAR: Read more news about Alex Gonzaga here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask ‘Tricky Questions’ to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel