Maid, bantay-sarado ng CCTV; sinasabuyan ng tubig ng amo pag 'di nagising ng 5am

Maid, bantay-sarado ng CCTV; sinasabuyan ng tubig ng amo pag 'di nagising ng 5am

- Kalunos-lunos ang naging kalagayan ng isang kasambahay sa Singapore mula sa malupit nitong amo

- Sinasabuyan daw ito ng tubig ng amo kapag hindi nagigising ng alas singko ng umaga kahit pa sobrang pagod ito sa dami ng trabaho nito

- Bukod dito, isang beses lamang itong pinapakain ng amo nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kalunos-lunos ang inabot ng isang kasambahay sa Singapore mula sa amo nito.

Ayon sa isang report ng Rachfeed, sinasabuyan ito ng tubig ng kanyang amo kapag hindi ito nagigising ng alas singko ng umaga.

Sa kabila ito ng pagod at hirap nito sa napakaraming trabaho sa tahanan ng amo nito.

Bukod dito, isang beses lang umano ito pinapakain kung kaya naman nanghihina ito sa araw-araw na gawain.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

At kahit pa nga gusto raw nito na magpahinga o kaya naman ay tumakas ay hindi nito magawa dahil bantay-sarado ito ng mga CCTV na nagkalat sa bahay ng amo.

Hindi rin ito maaaring gumamit ng cellphone o telepono. Hindi rin ito pwedeng tumawag sa kanyang pamilya, kung kaya walang ideya ang mga ito sa sinapit nito.

Sa kabutihang-palad, may isang tao ang nakaalam ng kanyang kalagayan na siyang kumuha ng larawan nito at video.

Dahil dito, nalaman ng publiko ang sitwasyon nito matapos itong mag-viral sa social media.

Nai-report na rin sa mga awtoridad ang nangyari sa kasambahay. Maraming netizen ang nanawagan na mapalaya ang kasambahay at ma-ban ang malupit nitong amo sa pagkuha ng kasambahay.

Sa ngayon ay malaya na ang kasambahay at iniimbestigahan naman ang amo nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon?

Translating English words into Filipino might be way more challenging than you thought! Try it yourself together with our random passers-by. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel