Viral na larawan ng lolang nagtitinda sa ulanan, naging daan para siya'y matulungan

Viral na larawan ng lolang nagtitinda sa ulanan, naging daan para siya'y matulungan

- Viral ang larawan ng isang lola na nagtitinda ng mais umulan man o umaraw

- Humanga ang netizen na nagbahagi ng larawang di niya akalaing magiging agaw pansin online

- Dahil sa marami ang naantig sa viral post, marami rin ang nagpaabot ng tulong kay lola

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang larawan ng isang lola na matiyagang nagtitinda ng mais sa gitna ng malakas na ulan.

Binahagi ito ng netizen na si MiracArl Barde noong Setyembre 20.

May caption ito na: "Umulan umaraw nag titinda padin si nanay. Sana po bilhan po niyo siya pag makikita niyo, masayang masaya na po siya.Sana po may tumulong po sa kanya.

Mabilis na nag-viral ang larawan ng matanda dahil sa nakakadurog ng puso nitong kalagayan.

Isa kasi sa mga larawan ay makikitang basa na siya sa ulanan ngunit patuloy pa rin niyang tinutulak ang kariton ng kanyang tindang mais.

Sa isa namang larawan, di man maulan ngunit bakas pa rin ang hirap ng matanda sa kanyang kalagayan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Dahil dito, maraming naantig sa mga nakita nilang kalagayan ng lola kaya naman di sila nag-atubiling magbigay ng tulong.

Isa na rito ang Philippine Women's University-CDCEC Sta. Cruz.

Pitong araw lamang mula nang mag-viral ang post, naghanda na ang paaralan ng mga gamit na pwedeng ibigay sa matanda.

Binigyan din siya ng bagong kariton upang di na raw ito mahirapan pang ilako ang mga paninda.

Nagpaabot din ng tulong pinansyal ang unibersidad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bakas sa naluluhang mga mata ng matanda ang kaligayahan dahil sa mga biyayang natanggap.

Nagpasalamat din siya kay MiracArl na siyang nagbahagi ng kanyang larawan kaya naman dinagsa siya ng tulong.

Hanggang ngayon ay may mga taong may mabubuting kaloobang nakakita ng post ang nagpaparating pa rin ng tulong sa mais vendor.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel