Angkas supporters, nangamba sa sinapit ng isang babaeng pasahero sa kamay ng rider

Angkas supporters, nangamba sa sinapit ng isang babaeng pasahero sa kamay ng rider

- Tiklo ang Angkas driver na di umano'y nanghalay sa isa nitong naging pasaherong babae

- Imbis na idiretso sa destinasyon, kung saan-saang madidilim na lugar inihinto ng driver at sinamantala ang kahinaan ng pasahero

- Dahil sa nangyari, nakaramdam daw ng takot ang mga pasahero ng Angkas lalo na ang mga babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natakot ang mga Angkas supporters dahil sa umano'y kinahinatnan ng isang babaeng pasahero noong Sabado, Oktubre 5.

Ayon kay Zhander Cayabyab ng ABS-CBN news, galing sa inuman ang babae sa Project 6 Quezon City. Nag-book ito ng Angkas pauwi sa Eastwood.

Nalaman ng KAMI na imbis na idiretso ang babae sa kanyang destinasyon, inikot pa raw siya ng driver sa Katipunan at CP Garcia na taliwas na sa kanyang dapat na bababaan.

Sa makailang ulit nilang paghinto sa madidilim na lugar, doon may di magandang nagagawa ang driver ayon sa salaysay ng pasahero.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Mabuti na lamang at sa isa sa kanilang nahintuan, mayroong tanod at nakahingi ng saklolo ang walang labang babae.

Kalaboso ang driver na agad nadala sa Anonas Police station.

Nahaharap ito sa kasong acts of lasciviousness ngunit mariing inirekomenda ng pulisya na isampa na ito sa kasong panggagahasa.

Dahil dito, nagpahayag ang ilang tumatangkilik sa Angkas ng kanilang pangamba at tila nawalan ng tiwala na sumakay muli dito lalo na kung gabi.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Hindi naman lahat nang angkas driver pero na experience ko narin yung ganyan kahit hindi sexy damit ko, lalo na ihihinto nang bigla huhu meron pa nga inintay pa ako sa workplace ko kahit di ako nagbook."
"No hate po, shinare ko lang experience ko pero di ako nagrereklamo. Super convenient po ni Angkas lalo na pag rush hour. Kawawa naman yung nagttrabaho nang maayos tapos nadadamay."
"Magsilbing aral toh sa lahat ng angkas driver na may balak na ganito sa mga pasahero nila!"
"Marami gusto maging angkas dahil ganyan ang balak kaya dapat nakareport lahat sa angkas para matanggal sila"
"Yaw ko na mag-Angkas, masyado nga naman kayong nagiging close ng driver"
"Di safe for girls ang Angkas.. mahirap na... masyado kasi malapit e"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel