Nakakaiyak na pagtulong ng ilan sa mag-ama sa kalye, ibinida ng isang netizen

Nakakaiyak na pagtulong ng ilan sa mag-ama sa kalye, ibinida ng isang netizen

- Hindi naiwasang ipagmalaki ng isang netizen ang nasaksihang kabutihan ng ilan sa mag-amang nakilala nila sa kalye

- Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng netizen ang pagtulong ng ilan at maging nito na rin sa mag-ama

- Mabilis na nag-viral ang post nito at marami ang nagnais na sana ay matulungan ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi naiwasang ipagmalaki ng netizen na si Vanch Delos Santos ang nasaksihang kabutihan ng ilang Pilipino sa kapwa.

Isang mag-ama kasi ang pumukaw sa atensyon ng netizen na nasa mahirap na sitwasyon sa ngayon.

Ayon kay Delos Santos, habang nasa loob siya ng isang convenience store napansin niya ang isang may edad na lalaki na bumibili roon.

Bagamat hindi naman nanlilimos ang matanda, hindi na raw pinabayaran ng crew doon ang binili nitong pagkain para sa anak nito.

"Sobrang nagpapasalamat si tatay kasi kht nd nmn sya nanlilimos ay kusang may nagbibigay sa knila," ayon sa Facebook post nito.

Samantala, napag-alaman naman ni Delos Santos na kaunti lamang ang dala nitong tubig kaya naman siya na ang bumili para rito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon kay Delos Santos, tubong Zamboanga ang pamilya ng matandang lalaki ngunit naninirahan na sa Sta. Mesa.

Inaalagaan nitong mag-isa ang kanyang anak na may kapansanan na kasa-kasama nito sa kalye.

Sabi pa ng netizen, tuwing Sabado ay nakikita raw niya ang mag-ama na nasa kalye lang bagamat hindi naman daw nanlilimos ang mga ito.

Mayroong mga nag-aabot ng tulong sa kanila at ipinagpapasalamat naman ito ni tatay.

"Every saturday nakikita ko sila dito wla silang lata or kaht na ano mang lagayan na nanlilimos hindi rin sila ngangalabit / nagsasabi ng palimos basta nanjan lang sila nakatambay mag ama kapag may magbigay daw sa knila tinatanggap at pinagpapasalamat ni tatay yun."

Habang kausap naman daw ni Delos Santos ang matandang lalaki, isang babaeng nakasuot ng uniporme ng bumbero ang nag-abot ng pagkain mula sa Jollibee sa mag-ama.

Humahanga si Delos Santos sa pagiging ulirang ama ng matandang lalaki sa kanyang anak sa kabila ng edad nito.

Ang mga netizens naman, itinag ang mga programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) at Raffy Tulfo in Action para makarating sa mga ito ang nakakaantig na istorya ng mag-ama.

Umaasa ang marami na may mga taong may ginintuang puso ang makakapansin sa kalagayan ng mga ito.

Ayon kay Delos Santos, madalas na makita ang mag-ama sa Makati sa labas ng Centro Escolar University.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon?

Translating English words into Filipino might be way more challenging than you thought! Try it yourself together with our random passers-by. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel