Lola na Grab driver, nagtatrabaho para matustusan ang mister na may sakit

Lola na Grab driver, nagtatrabaho para matustusan ang mister na may sakit

- Nagagawa pa ring magtrabaho ng mahigit 60 anyos na Grab driver para sa kanyang pamilya

- Bukod sa mister na may cancer, may sakit pa sa pag-iisip ang kanilang anak

- Wala raw kasing ibang aasahan ang kanilang pamilya kaya naman naghahanapbuhay pa rin siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Namangha ang isang pasahero ng Grab nang makitang "lola" ang kanyang driver.

Binahagi ng Buzzooks ang kwento ng pasaherong si Fedtri Yahya, tungkol sa naging driver niyang si Misnah Binti Chuminin.

Di raw maiwasang usisain ni Fedtri ang dahilan bakit sa kabila ng edad ni Misnah ay naghahanapbuhay pa rin daw ito.

Doon na naikwento ng lola ang tindi ng kanyang pinagdaraanan sa kanilang pamilya.

Lolang Grab driver, nagtatrabaho para matustusan ang mister na may sakit

source: Fedtri Yahya/ Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

May cancer daw ang kanyang mister at di na ito makapagtrabaho. Kinakailangan din nito ng mga gamot na mayroon pang kamahalan.

Bukod pa rito, may sakit pa sa pag-iisip ang anak nila kaya naman walang ibang aasahan ang kanilang pamilya kundi si Misnah.

Ayaw niyang mamalimos, manghingi at kaawaan na lang ng iba kaya nag-isip siya ng paraan upang kumita ng maayos.

Lolang Grab driver, nagtatrabaho para matustusan ang mister na may sakit

source: Facebook/ Fedtri Yahya
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Laking pasalamat niyang tinanggap pa siya ng Grab sa kabila ng kanyang edad.

Maganda rin daw ang schedule niya rito kaya di naman siya gaanong nahihirapan.

Ang isa pa sa ikinahanga ng pasahero sa driver ay ang pananatiling kalmado at mahinahon nito sa kabila ng matitinding dagok sa kanyang buhay.

Nakaka-inspire daw talaga ang kwento na ito ni Misnah. Sana raw ay magsilbing aral ito sa mga taong nawawalan na ng pag-asa sa buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel