Star City, posibleng sinadyang sunugin ayon sa City Fire Marshal

Star City, posibleng sinadyang sunugin ayon sa City Fire Marshal

-Ilang ebidensiya raw ang nagtuturo na posibleng sinadyang sunugin ang Star City ayon sa Pasay City Fire Marshal

-Isa umanong tenant ang kahina-hinalang nagpasok ng sandamakmak na sako ng bulak sa loob at may gasolina ring nakita sa lugar na wala dapat nito

-Sa isang statement, itinanggi ng Star City ang paratang na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May posibilidad na sinadyang sunugin ang Star City noong Miyerkules ayon kay Pasay City Fire Marshal Paul Pili.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News (Author, Jacque Manabat) may mga ebidensiyang nagtuturo sa arson sa lugar.

Isa na rito ang gasolina sa lugar na wala ito dapat. Kahina-hinala rin daw ang sabay-sabay na pagliyab ng ilang lugar sa Star City.

Isang "Mr. Wong" daw at ilang kasama ang pumasok sa Star City noong araw na maganap ang sunog at may dalang sako-sakong bulak. Pero hindi raw nag-log in sa logbook ang mga ito.

“Bakit hindi nag-logbook? Nag log-book siya pero hindi niya ni-logbook mga kasama niya," sabi pa ni Pili sa panayam dito ng mga reporters.

Isa sa mga anggulong tinitignan ay kung may kinalaman ba ang mismong pamunuan ng Star City sa pagkakasunog ng amusement park.

Bagamat hinihintay pa ang statement ng mga may-ari nito. Kinakailangang ipakita ng mga ito ang financial documents ng kompanya.

"We will look into it kung sila ba ay nalulugi o hindi. Doon makikita 'yung motibo kasi mahirap i-pinpoint kung sino nagsunog," sabi ni Pili.

Sa isang statement, mariing pinabulaanan ng management ng Star City ang naging pahayag ni Pili. Wala raw silang dahilan para sunugin ang amusement park.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Maayos ang takbo ng negosyo lalo na at darating pa ang panahon ng kapaskuhan.

"We are not aware of any motive, including financial gain, that would induce the commission on arson specially on the part of Star City as the business is profitable and a bumper Christmas season was expected," ayon sa statement.

Sabi pa rito, ang gasolinang nakita sa lugar ay sa isang partikular na ride sa Star City. Normal lang din daw ang pagpapasok ng maraming bulak sa lugar dahil ginagamit ito sa mga stuff toys na kadalasang ginagamit sa pa-premyo sa mga laro sa Star City.

"In fact, most if not all of the stuffed toys are filled with cotton. Almost all theme parks, including those outside of the Philippines, sell or give as prizes, stuffed toys in the ordinary course of their business,

"We feel that it was inappropriate, to say the least, to release statements to media first regarding arson as the cause of fire when the investigation is not clearly concluded and before taking up such matter with Star City’s management, the principal party concerned," sabi pa ng Star City.

Ayon pa sa ulat, posibleng magbukas ang Star City ngayong kapaskuhan kung mabibigyan sila ng clearance ng Bureau of Fire Protection.

Una nang naiulat ng KAMI ang pagsiklab ng sunog sa Star City noong Miyerkules, 12:22 a.m.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon?

Translating English words into Filipino might be way more challenging than you thought! Try it yourself together with our random passers-by. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel