Jeepney driver na 4 na taon nang nagda-dialysis, hinangaan ng isang pasahero

Jeepney driver na 4 na taon nang nagda-dialysis, hinangaan ng isang pasahero

- Viral ang larawan ng isang jeepney driver na sumasailalim sa dialysis

- Napansin ito ng isang pasahero kaya inusisa niya ang kalagayan ng tsuper

- Magsilbing aral din daw ang buhay ng tsuper lalo na sa mga taong nawawalan ng pag-asa sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig ang puso sa larawang binahagi ng netizen na si Blooming Sofiya.

Nalaman ng KAMI na napansin ni Sofiya ang braso ng jeepney driver kaya inusisa niya ang kondisyon nito.

Lakas loob niyang tinanong kung sumasailalim ba sa dialysis ang tsuper at nalaman niyang apat na taon na niya itong ipinagagawa.

Ang dialysis ay ang paglilinis sa dugo kung saan tinatanggal ang mga nakapipinsalang mga bahagi nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Namangha ang pasahero dahil sa tatag na pinakita ng tsuper na kahit nagda-dialysis ay nagagawa paring mag-hanapbuhay.

Gusto pa raw sanang makipagkwentuhan ni Sofiya sa tsuper ngunit nakarating na siya sa kanyang destinasyon.

Naalala raw kasi ni Sofiya ang kanyang kapatid na mayroong Chronic Kidney Failure na dumaan sa matinding paghihirap na di nalalayo sa kalagayan ng tsuper.

Kaya naman sa tuwing makakakita si Sofiya ng taong alam niyang nagda-dialysis, naapektuhan siya dahil alam niya ang pinagdaraanan ng mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Magsilbing inspirasyon din daw ang larawan na ito ng tsuper sa mga taong panay na ang reklamo sa buhay.

Dapat lamang daw isa-isip na may mga tao raw mas matitindi pa ang pinagdaraanan tulad ng driver ngunit patuloy pa rin itong lumalaban at hindi pabigat sa kanilang pamilya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel