Heart Evangelista, sumang-ayon sa mga naging pahayag ni Anne Curtis tungkol sa usaping pagbubuntis

Heart Evangelista, sumang-ayon sa mga naging pahayag ni Anne Curtis tungkol sa usaping pagbubuntis

- Sumang-ayon si Heart Evangelista sa mga naging pahayag ni Anne Curtis tungkol sa walang humpay na pagtatanong sa kanya kung kailan siya magbubuntis

- Ayon kay Heart, sana ay maging mas maingat ang media sa pagtatanong lalo na sa mga bagay na personal

- Gayunpaman, ipinaliwanag niyang hindi siya napipikon 'pag natatanong siya tungkol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kagaya ni Anne Curtis, naniniwala si Heart Evangelista na dapat tigilan na sana ng mga reporters ang pagtatanong sa mga babae kung kailan sila mabubuntis o magkakaanak.

Kadalasan ay naitatanong din sa kanya ito matapos niyang makunan ng dalawang beses.

Ayon pa sa kanya, sana ay maging mas maingat sa pagtatanong lalo at may kanya-kanyang dahilan ang bawat isa sa kanilang mga desisyon sa buhay.

“I think we have to stop being at each other’s backs or down our throats all the time about something so personal.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Some people, they work for their family. May mga pinapaaral sila, and they have their sacrifices. It’s not that they don’t want to have a baby. You’ll never know,” pahayag ng Kapuso actress.

“Like, for example, me, right after I lost, you know what happened to me. Parang, people think it’s like bumili ka lang ng bag. ‘So when are you gonna buy another bag?’ Di ba? We all have our personal reasons, so I guess we should be a little bit more kinder to each other,” dagdag pa niya.

Paliwanag niya, hindi siya napipikon kapag tinatanong siya tungkol dito pero mas magandang irespeto na lang ng media ang desisyon ng mga female celebrities na wala pang mga anak kahit matagal nang ikinasal.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Samantala, sa naunang ulat, marami ang nagulantang sa presyo ng placemats na gamit ni Heart Evangelista.

Ikinasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

POPULAR: Read more about Heart Evangelista here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter

Translating English words into Filipino might be way more challenging than you thought! Try it yourself together with our random passers-by. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel