Netizens, nag-react sa pagsagot nina Anjo at Ryan Yllana sa isyung kinakaharap

Netizens, nag-react sa pagsagot nina Anjo at Ryan Yllana sa isyung kinakaharap

- Marami ang humanga sa magkapatid na Anjo at Ryan Yllana matapos nilang linawin ang isyung kinakaharap

- Inireklamo kasi ng ilang estudyante ang paaralang pag-aari ng mga ito sa programa ni Raffy Tulfo

- May ilang netizens pa ang 'di naiwasang magbigay ng komento sa reklamong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humanga ang maraming netizens sa magkapatid na Anjo at Ryan Yllana dahil sa naging pagtanggap ng mga ito sa isyung kinakaharap dahil sa eskwelahang pag-aari nila.

Una nang naibalita ng KAMI nang idulog ng ilang estudyante ang kanilang reklamo laban sa Yllana College nang madiskubreng hindi pala ito rehistrado sa TESDA.

Nang malaman ito ng magkapatid ay agad silang nagsadya sa tanggapan ng TV5 para linawin ang kanilang panig na naibalita na rin ng KAMI.

Matapos na maihayag ang dahilan kung bakit hindi sila na-rehistro sa TESDA ay agad namang sinabi ni Anjo na handa sila na ibigay ang hinihinging refund ng mga nagrereklamong estudyante.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Maging ang mga ginastos ng mga ito sa loob ng isang taon habang nag-aaral sa Yllana College ay ibabalik din daw ng mga ito.

Humingi rin ng paumanhin si Anjo sa mga ito dahil sa abalang nangyari. Umapela din ito sa TESDA na kung maaari pang mapakinabangan ng mga estudyante ang mga pinag-aralan ng mga ito sa loob ng isang taon.

Dahil dito, maraming netizens ang natuwa at humanga sa magkapatid dahil sa ginawang pagharap sa reklamo laban sa kanila.

Umani naman ng sari-saring komento ang reklamong ito laban sa magkapatid.

"Grabeh down to earth talaga si Anjo.. Kalma lang talaga sya."

"Medyo naging bastos dito si Raffy Tulfo, minsan may mga mishaps din siya at maling desisyon. Sulsol pa e. May pinipili din."

"How I wish makabangon ung school nio yllana brother, at marami p sna kaung mtulungan n mga schollar.. GODBLESS U all."

"Sir raffy I respect you . But I think this time , you’re being bias here."

"Wla aq msbi kundi congratulations sa lahat ng natulungan ng magkapatid n ito,, God bless po sa lahat ng may mabubuting kalooban."

"Irecognize mo din sir Raffy yung mga good deeds na nagawa na ng mga Yllana! Gaya ng sinabi kanina yang mga nagpunta sayo ay yung mga di nasali sa tinulungan ng Yllana!"

"I love the word "Filipino Tayo wag tayo magalit sa 1t1 at pwede natin pag-usapan ang bagay bagay.."--Mr. Anjo Yllana..salute you Sir Anjo..very humble."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Anjo Yllana ay isang Filipino actor-comedian at politician.

Kapatid nito sina Jomari, Ryan at Paulie Yllana.

Isa si Anjo sa mga hosts ng longest-running noontime variety show na Eat Bulaga.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon?

Translating English words into Filipino might be way more challenging than you thought! Try it yourself together with our random passers-by. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel