Anak ng sekyu at housewife, trending ang nakaka-inspire niyang buhay sa La Salle

Anak ng sekyu at housewife, trending ang nakaka-inspire niyang buhay sa La Salle

- Nag-trending sa Twitter ang nakakaantig na kwento ng buhay "Lasalista" na anak ng security guard at isang housewife

- Binahagi niya ang kanyang masayang buhay mula sa pagiging iskolar sa isa sa mga primyadong unibersidad sa bansa hanggang sa pagiging Licensed Medical Technologist, at author ng isang libro

- Nagpasalamat siya sa mga taong nasa likod ng kanyang tagumpay lalo na sa Panginoon na pinag-aalayan daw niya ng lahat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga sa nakaka-inspire na buhay ng Twitter user na si Mary Reinn.

Isa siyang MedTech graduate ng De La Salle at iskolar pa siya rito.

Ang nakamamangha sa kwento ni Reinn, isang security guard ang kanyang ama at housewife naman ang ina.

Kaya naman ganoon na lamang ang pagtataka ng ilang netizens kung paano niya napagtagumpayan na makatapos sa isa sa mga primyadong unibersidad ng bansa.

Sa kanyang trending tweet noong Setyembre 26, nilahad ni Reinn ang nakakabilib niyang pinagdaanan sa buhay kolehiyo.

Nakakuha siya ng scholarship sa De La Salle. Bukod dito, mayroon ding Japanese restaurant na siya namang nagbibigay sa kanya ng food allowance.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Syempre, di rin matatawaran ang sipag ng kanyang ama na siyang nagbibigay pa rin sa kanya ng iba pa niyang pangangailangan sa paaralan.

Kahit walang hanapbuhay, suportado pa rin siya ng pagkalinga at pagmamahal ng kanyang ina.

Sa una, inakala niyang mahihirapan siyang makisama sa mga magiging kaklase niya sa La Salle.

Ngunit nagkamali siya. Hindi siya nahihiyang sabihin na sa tuwing tinatanong siya kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanyang mga magulang at hayagan niyang sinasabi ang totoo.

Sa ganitong paraan din niya nalalamang totoo ang kanyang mga kaibigan sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ni minsan daw ay di niya naramdaman na mas nakahihigit ang mga ito dahil sa kaibahan nila ng estado ng pamumuhay.

Ngayon, nagtapos na siya ng kolehiyo at ngayong taon ding ito, isa na siyang ganap na Licensed Medical Technologist.

Di lang ito, isa na rin siyang author ng libro na na-publish din ngayong taon.

Tunay na nakakabilib ang nakaka-inspire na buhay ni Reinn na sana ay magbigay pag-asa rin sa iba.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel