Raffy Tulfo, tinupad ang hiling ng kanyang 11-anyos na avid fan

Raffy Tulfo, tinupad ang hiling ng kanyang 11-anyos na avid fan

- Isang 11 taong gulang na fan ang napaunlakan ni Raffy Tulfo na mag-guest sa kanyang programa

- Natuwa ang host dahil sa talento ng batang si AJ Vicente

- Natupad na ang matagal nang hinihiling ng batang makita ang idolo at niregaluhan pa siya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pampa-good vibes ang naging episode ng Raffy Tulfo in Action kung saan naging bisita nito ang 11 taong gulang niyang tagahanga na si AJ Vicente nitong Oktubre 2.

Kasama ang kanyang inang si Arlene, napaunlakan ng kanyang Idol Raffy si AJ na makita ito ng personal at makakanta rin sa kanyang programa.

Kwento ni Arlene, noong nakaraang taon pa lang nang magtangka silang mag-ina na pumila sa opisina ng TV5 kung saan nagaganap ang programa.

Ngunit sa dami ng tao, di ito natuloy.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ngayong taon, kung kailan nalalapit na rin ng kaarawan ni AJ, natupad na ang kanyang pinakamimithing makita at makasama ang kanyang Idol Raffy.

Gamit ang kanyang ukelele, nagpaunlak ng kanta si AJ at napahanga nito si Tulfo.

Halos di raw makapagsalita ang bata sa sayang nadarama.

At dahil nalalapit na rin ang kaarawan ni AJ, nabigyan pa siya ng regalo ng kanyang idol.

Tunay na nakakagood vibes ang episode na ito dahil nakaka-inspire ang kwento ng pag-abot ng pangarap ng talentadong bata.

Dahil bata pa ang fan na ito ni Tulfo, nagpaalala siya sa kanyang staff na maging maingat sa pag-a-upload ng maseselang video para na rin sa mga viewers nila na tulad ni AJ.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kabuuan ng episode na nakuha ng KAMI sa YouTube:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel