Babaeng palaboy, tinaguriang "subway soprano" dahil sa husay nito sa pagkanta

Babaeng palaboy, tinaguriang "subway soprano" dahil sa husay nito sa pagkanta

- Nagulat ang mga tao sa isang subway sa Los Angeles nang kumanta ang isang babaeng palaboy

- Dahil dito, tinagurian siyang 'subway soprano' dahil sa galing nitong umawit na parang isang 'opera singer'

- Napag-alaman ding isa palang pianist at violinist ang babae bago mangyari sa kanya ang isang insidente dahilan para siya ay maging palaboy na lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang Instagram post tungkol sa isang palaboy na babaeng nakunan ng video na kumakanta na parang isang 'opera singer.'

Ayon sa CNN, nakilala ang babaeng si Emily Zamourka na kumakanta ng “O mio babbino caro” ni Puccini sa subway sa Los Angeles, USA.

Kuha raw ito ng isang pulis sa subway platform na namangha kay Emily.

Napag-alaman ding walang professional training sa opera singing si Emily ngunit isa pala itong mahusay na pianist at violinist.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Katunayan, dating street performer si Emily at ito ang kanyang ikinabubuhay.

Kwento ni Emily, tatlong taon na ang nakararaan nang atakihin siya ng isang lalaki habang nagtatanghal siya sa kalsada.

Sinira nito ang kanyang violin dahilan para magkaroon siya ng wrist injury.

Ito rin ang naging hudyat ng kanyang pagiging palaboy dahil sa wala na siyang pinagkakakitaan.

Dahil sa pagpapamalas niya ng husay sa pag-awit, tinagurian siyang "subway soprano" ng kanyang mga online fans.

Umabot na sa mahigit 600,000 views ang Instagram video niya na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel