Enforcer sa viral video na di umano'y nanapak ng motorista, nag-sorry

Enforcer sa viral video na di umano'y nanapak ng motorista, nag-sorry

- Agad na nagkapatawaran ang enforcer at motoristang nagawa nitong sapakin dahil lamang sa pagpapaalis nito sa daan

- Isang araw matapos ang insidente, pinatawag na ang dalawa sa harap ng isang abogado sa Quezon city upang magkaayos

- Di raw kukunsintihin sa QC ang mga maling pagpapatupad ng batas sa lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang di umano'y pananapak ng isang traffic enforcer na nakilalang si Danilo Usi sa isang motoristang na-flat ang gulong ng sasakyan.

Sa naunang ulat ng KAMI, sinabing nagkainitan lamang ang dalawa nang pilit na pinatatanggal ng enforcer ang sasakyan ng motoristang si Zaldy Eugenio dahil sa may VIP raw na daraan doon.

Ngunit nang sabihin ni Eugenio na di kakayaning maayos ang gulong sa loob ng 15 minutos, doon na raw nagsimulang magmura si Usi at ang masama ay nagawa pa raw siya nitong sapakin.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Isang araw matapos ang insidente, ipinatawag ang dalawa sa harap ni Atty. Ariel Inton, at sa tulong na rin ni Atty. Vj Topacio.

Humingi ng kapatawaran si Usi at aminado siya sa pagkakamali niyang nagawa kay Eugenio.

Tinanggap naman ni Eugenio ang paghingi ng tawad ng enforcer.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon din kay Atty. Inton, di raw niya kukunsintihin ang mga ganitong maling pagpapatupad ng batas sa lungsod.

Magsilbing aral na rin ito sa lahat ng motorista, gayundin sa mga traffic enforcers na gawin sa mahinahon na pag-uusap ang anumang gusot trapiko upang maiwasan ang mga di magandang pangyayari.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel