Netizen, nagbigay babala sa mga nagpapanggap na delivery guy ng isang online shop

Netizen, nagbigay babala sa mga nagpapanggap na delivery guy ng isang online shop

- Ikinuwento ng isang netizen ang kanyang karanasan sa nagpapanggap na delivery guy ng isang online shop

- Pilit na sinasabi ng nag-text na may order daw sa Lazada ang netizen

- Subalit, wala naman daw siyang pending order at matagal nang hindi nakakabili sa online shop na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan nang magpanggap ang isang tao na delivery guy umano ng isang online shop.

Nalaman ng KAMI na ayon sa netizen na si Jaydee Mendoza, bigla na lang may nag-text sa kanya na may delivery siya mula sa online shop na Lazada.

Subalit, matagal naman nang hindi bumibili sa Lazada si Jaydee kaya laking gulat nito nang matanggap ang text.

“Good day. This is from LAZADA. Magdedeliver po kame sa inyo ngayong araw. Please reply po with your fullname and address (please include landmarks) for confirmation. Thank you,” sabi sa unang text.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Pinost ni Jaydee ang mga naging usapan nila ng nagpapanggap na delivery guy. Sabi pa nito, ang order daw niya ay vacuum cleaner na worth P12,000.

“Kala siguro neto ni kyah e madadale nia ko sa pa-Vacuum nia na worth 12k oiii kuya unang una bakit ako oorder ng vacuum aanhin ko yan at worth 12k?!? Goodluck HAHA!” sabi ni Jaydee.

Kaya naman, babala niya, huwag basta-basta magbigay ng number kung kani-kanino.

“PLEASE DONT GIVE UR PERSONAL INFO TO ANYONE, lalo na kung wla naman talaga kayong order,” aniya.

“Seriously, christmas season na naman kaya marami n namang naglalabasan na mga modus ng masasamang loob para makapanlamang ng kapwa kaya magdoble ingat po tyo mga besh kung maari sabihan na dn ang mga naiiwan sa bahay kng wla naman tyo naibilin e wag tumanggap at magbayad ng basta basta,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: "Add Me On Facebook" - Kris Aquino To Single Men! Kris Aquino encouraged single men to add her on Facebook and this caused a lot of noise on social media – Check out KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel