OFW na sinurpresa ang anak sa paaralan, umantig sa mga puso ng netizens

OFW na sinurpresa ang anak sa paaralan, umantig sa mga puso ng netizens

- Maraming OFW ang naka-relate sa video ng isang inang mula sa Hong Kong na sinurpresa ang anak sa paaralan

- Napatakbo palabas ng kanyang silid ang bata patungo sa ina

- Ramdam daw ng netizens ang labis na pagkasabik ng mga ito sa isa't isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video na binahagi ng netizen na si Maribeth Bartolaba sa YouTube kung saan, isang inang OFW ang sinurpresa ang anak sa paaralan.

Kitang-kita sa video kung gaano kasabik ang bata na makasama ang kanyang nanay na matagal na nawalay sa kanya.

Nang makita pa lang kasi ng bata ang kanyang nanay sa labas ng kanilang classroon, tumakbo na agad ito sa ina.

Nangibang bansa ang nanay dahil sa nakipaghiwalay na ito sa kanyang mister at sinisikap niyang buhayin ang kanyang mga anak sa sarili niyang pagsisikap.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Pinatutunayan lamang nito na di na niya kailangan pang dumepende sa asawang di na nakakapagbigay ng sustento sa kanila.

Maswerte rin ang OFW nang makatagpo ito ng mababait na employer kaya naman wala siyang nagiging problema sa pagtatrabaho sa Hong Kong.

Dahil dito, nakapagpundar na rin ito ng bahay at lupa at para na rin sa magandang kinabukasan ng dalawa niyang mga anak.

Samantala, maraming netizens ang naantig sa emosyonal na pagtatagpo na ito ng mag-ina lalo na ang mga OFW na alam ang pakiramdam ng ganitong sitwasyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakainggit naman, sana makasama ko na rin mga anak ko"
"Maswerte ang nanay kasi mahal na mahal pa rin siya ng mga anak niya, yung iba kasi napapalayo na ang loob dahil laging wala ang nanay"
"Nakakaiyak naman tong video na ito, ramdam mo kasing sabik na yung anak na makasama yung nanay niya e"
"Gagawin talaga ng nanay ang lahat para lang mabigay ang gusto ng anak"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel