Pagsabog at sunog sa riles ng LRT-2, ikinaalarma ng mga commuters

Pagsabog at sunog sa riles ng LRT-2, ikinaalarma ng mga commuters

- Muling nasuspinde ang operasyon ng LRT-2 ngayong Huwebes

- Isang pagsabog at sunog ang nangyari sa riles ng LRT-2

- Nawalan din ng kuryente sa Katipunan station at agad pinalabas ang mga commuters

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muli na namang naantala ang operasyon ng LRT-2 matapos magkaroon ng pagsabog at sunog.

Nalaman ng KAMI na nangyari ang insidente sa kalagitnaan ng riles sa pagitan ng Anonas at Katipunan stations.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, 11:24 a.m. nang suspendihin ang operasyon sa LRT-2.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Paliwanag ng kanilang spokesperson na si Atty. Hernando Cabrera, nasunog ang rectifier sa may Katipunan kaya apektado rin ang power supply dito.

"Ang rectifier parang transformer 'yan. Kumbaga sa mga bahay natin, puwede ring maikumpara ito sa mga power surge protector. Ang purpose niyan talaga is to regulate 'yung ating power supply," sabi ni Cabrera.

"Since walang power supply doon sa area na 'yun, technically buong linya hindi na rin namin mapapatakbo kasi magbabara 'yung mga tren doon sa area, mawawalan sila ng power," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, agad namang pinaalis sa Katipunan station ang mga commuters para sa kanilang kaligtasan.

Nawalan din bigla ng kuryente sa istasyon dahil sa pagsabog na nangyari.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbistigahan ng technical staff ang pinagmulan ng insidente.

Ayon sa management ng LRT-2, sinusubukan nilang agad ibalik ang operasyon mula Recto hanggang Cubao stations o hanggang Anonas station.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: "Add Me On Facebook" - Kris Aquino To Single Men! Kris Aquino encouraged single men to add her on Facebook and this caused a lot of noise on social media – Check out KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel