Asia's Songbird Regine Velasquez, ibinunyag na dineadma sa sikat na high-end brand store sa Tate

Asia's Songbird Regine Velasquez, ibinunyag na dineadma sa sikat na high-end brand store sa Tate

- Asia's Songbird Regine Velasquez, ibinunyag na dineadma pala sa sikat na high-end brand store sa Tate

- Ito ang isa sa pasabog sa mga BTS stories ni Songbird sa kanyang shoe collection vlog

- Netizens, nawindang sa kuwento ni Regine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Asia's Songbird Regine Velasquez, ibinunyag sa first-ever vlog niya na 'Closet Tour and My Shoe Collection' na dineadma pala noon sa sikat na high-end brand store sa Tate at spotted ng KAMI ang pasabog na BTS story na ito ni Songbird.

Asia's Songbird Regine Velasquez, ibinunyag na dineadma sa sikat na high-end brand store sa Tate

Source: YouTube/Regine Velasquez
Source: Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakita na nga ni Regine ang mamahaling mga sapatos na meron siya at isang sikat na high-end brand ang kanyang paborito.

At dito ay naikuwento niya ang kanyang mala-'Pretty Woman' experience sa nasabing tindahan sa Amerika.

Ani niya nang malaman niyang ibinibenta na sa high-end brand store ang sapatos na gusto niya ay pinuntahan niya agad ito para bilhin.

Diretsahan daw siyang sinabihan na wala silang size para sa kanya at hindi rin pinayagan na subukan ang nasa display.

Kaya pumunta siya sa opposite na store na nagbebenta rin ng mga branded shoes at parehong sitwasyon daw ang nangyari.

Mabuti na lang at mayroong isang sales attendant na pinansin siya at dahil medyo nalungkot siya sa naranasan ay napabili siya ng 20 pairs of shoes.

At nang pumasok siya muli sa high-end brand store kung saan siya unang dineadma ay agad-agad na nabili niya ang sapatos nang makita ang maraming bitbit na shopping bags.

"i love how authentic your personality is, the way you said your story regarding that Lv store, i was once , actually not once most of the time dicriminated esp when i travel, because maybe of the look compared to western girls, im not the pasosyal type, thats why most pf the sales lady would back of, kasi parang wala nmn silang mapapala sakin, haha :) but hearing it from you, i just wish the world will be a little bit kinder to each and everyone.. i saw myself in you, not that i bought 20 shoes for revenged, i got 1 bag lng .. haha keep posting miss rej, your an inspiration , God bless po"
"11:02 to 14:49 Grabe yung story ni Queen Regine about being discriminated sa Louis Vuitton store in New York. EH DI AYAN YOUR LOSS NAWALAN KAYO NG SALES. The Queen lowkey showed them by buying 20 pairs sa kabilang store LOL. Also her "It's okay... I don't think you should feel bad when you get discriminated. You go back and kick some as*s, right?" LOVE YOU SONGBIRD"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Watch the video here - 'Asia's Songbird Regine Velasquez, binida ang closet sa first-ever vlog! Netizens, nag-react'

Regine Velasquez, kilala sa mundo ng showbiz bilang ang Asia's Songbird na dating Kapuso sa halos dalawang dekada at ngayon ay isang ganap na Kapamilya na. Mister niya ang isa pang multi-awarded artist na si Ogie Alcasid na parehong makikita sa ASAP.

POPULAR: Read more news about Regine Velasquez here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask Tricky Questions to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel