Indian artist, nagbisikleta mula India hanggang Sweden makasama lang ang kasintahan

Indian artist, nagbisikleta mula India hanggang Sweden makasama lang ang kasintahan

- Nakakamangha ang love story na ito ng isang Indian artist na umibig sa isang Swedish na dayuhan sa kanilang lugar

- Nagpaguhit lamang sa kanya ang babae, at di inaasahang nahulog ang loob nila sa isa't isa

- Kahit umalis na ang babae at umuwi sa kanilang bansa, sumunod ang lalaki gamit ang bisikletang nabili mula sa mga binentang mga artwork

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang love story ng Indian artist na si Pradyumna Kumar o mas kilala bilang "PK"at asawa na nitong si Charlotte Von Schedvin na mula sa Sweden.

Ayon sa Facebook post ng Sarcasm, mula sa mahirap ng bahagi ng India si PK.

Noong panahong nawawalan na siya ng pag-asang makaahon sa kahirapan, nagkaroon ng propesiya ang nakatatanda sa kanila tungkol sa buhay ni PK.

Magmumula raw sa malayong lugar ang makakatuluyan ni PK. May zodiac sign daw itong Taurus at may-ari ng lupain sa kanilang lugar. May kaalaman din daw ito sa musika.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Kalaunan, naging pintor si PK at nakilala niya ang isang babaeng nagngangalang Charlotte Von Schedvin.

Pinaguhit niya ang kanyang mukha kay PK na agad namang ginawa nito. Ngunit dahil di raw niya ito kayang tapusin ng araw na iyon, pinabalik na lamang niya si Charlotte.

Hanggang sa maka-ilang beses na itong nakabalik kay PK at naiguhit na rin siya nito ng makailang beses.

Di nila namamalayang nahuhulog na pala ang loob na nila sa isa't isa.

Ngunit ilang linggo lamang ang itinagal ni Charlotte at bumalik na muli ito sa Sweden.

Masigasig si PK at sa kabila ng kahirapan, gumawa siya ng paraan upang makasama muli si Charlotte.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa't kalahating taon ang lumipas, naibenta na ni PK ang lahat ng kanyang artworks at nakalikom ng pera para makabili ng bike.

Nakakagulat na nagawa ni PK na magbisikleta mula India hanggang Sweden. At sa tulong na rin ng ilang mabubuting tao, mas napabilis ang pagbibiyahe ni PK upang makarating sa kanyang minamahal.

Sa ngayon, 40 taon na silang masayang nagsasama bilang mag-asawa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel