Batang nagpakuha ng larawan sa pulis ng Harvard, freshman na ngayon sa unibersidad

Batang nagpakuha ng larawan sa pulis ng Harvard, freshman na ngayon sa unibersidad

- Viral ang larawan ng batang nagpakuha lamang ng larawan sa isang campus police ng Harvard University

- Di nila akalain na magiging estudyante rin pala ang batang ito sa unibersidad makalipas ang 15 na taon

- Dahil sa instagram post ng Harvard freshman, may nakapagbigay impormasyon sa kanyang naroon pa ang police sa prestihiyosong unibersidad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw pansin ngayon ang Instagram post ng Harvard kung saan binahagi nila ang larawan ang isang tatlong taong batang babae na nagpa-picture sa kanilang campus police.

Ayon sa CNN, nakilala ang batang ito na si Crystal Wang na noo'y kasama ng kanyang ama na bumisita lamang sa unibersidad.

Ngunit sino nga ba naman daw ang mag-aakalang makalipas ang 15 taon, magkikita ang dalawa at makakapagpakuha muli ng larawan?

Nalaman ng KAMI na freshman na ngayon si Crystal sa prestihiyosong unibersidad.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Pinaalala ng kanyang ama na minsan siyang nagpakuha ng larawan sa isang campus police doon at ito ay si Officer Charles Marren.

Sinabi pa ng ama ni Crystal na baka sakaling makita pa raw nito ang pulis kung naroon pa ito sa unibersidad.

Di na ito inaasahan ni Crystal dahil sa 15 taon na lumipas at marahil marami na raw ang nagbago.

Ngunit dahil sa post niya kung saan kanyang inanunsiyo ang pagkakatanggap niya sa Harvard gamit ang larawan noong siya'y bata pa kasama si Officer Warren, isang empleyado ng unibersidad ang nagbigay alam sa kanya na naroon pa ang pulis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, nai-schedule na ang kanilang pagkikita at nagpakuha muli si Crystal ng larawan dito.

Natuwa ang dalawa sa koneksyon nila sa kanilang muling pagkikita.

Para na rin daw nagkaroon ng instant bantay si Crystal sa unibersidad lalo pa at binigay ni Officer Warren ang kanyang numero sa estudyante sakaling kailanganin nito ang kanyang tulong.

Nasa mahigit 51,000 likes na ang naturang post at karamihan ay namangha sa muling pagkikita ng dalawa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel