Posibleng dahilan ng sunog sa Star City, inilahad ng mga awtoridad

Posibleng dahilan ng sunog sa Star City, inilahad ng mga awtoridad

- Arson o sadyang pagsunog ang tinitignang anggulo ng mga awtoridad na dahilan ng sunog sa Star City

- Isang kahina-hinalang tweet kasi ang ipinakita ng asawa ng may-ari ng Star City na si Lisa Macuja kaugnay nito

- Nagtataka rin daw kasi ang BFP kung bakit sabay-sabay na sumiklab ang apoy sa iba't-ibang parte ng sikat na amusement park

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arson o sadyang pagsunog ang tinitignang anggulo ng Bureau of Fire Protection (BFP) na posibleng dahilan ng sunog sa Star City, Martes ng gabi.

Base sa ulat ng GMA News (Reporter, Jonathan Andal), isang kahina-hinalang tweet ang ipinakita ng asawa ng may-ari ng Star City na si Lisa Macuja kung saan ang nakalagay umano ay: "Star City will die".

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Sabi pa ni Pasay City Fire Marshall Superintendent Paul Pili, nagtataka raw ang mga bumbero kung bakit sabay-sabay na sumiklab ang apoy sa iba't-ibang parte ng amusement park.

Malaki raw masyado ang Star City kaya hindi ganoon kadali na kumalat ang apoy.

Ganunpaman, base sa inisyal na imbestigasyon, sa stockroom nagsimula ang apoy.

Pero hindi rin daw inaalis ng BFP ang anggulong electrical problem.

Una nang naibalita ng KAMI ang pagsiklab ng apoy sa Star City compound gabi ng Martes. Bandang 6:55 a.m. nang maapula ang apoy sa lugar.

Samantala, sa isa pang ulat ng GMA News, sarado muna ngayong darating na Pasko ang Star City. Bubuksan ito muli pagkatapos ng isang taon para isaayos.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Add Me On Facebook - Kris Aquino To Single Men

Kris Aquino encouraged single men to add her on Facebook and this caused a lot of noise on social media. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel