Nanay na kunduktora ng bus, labis ang sakripisyo para maitaguyod ang pamilya

Nanay na kunduktora ng bus, labis ang sakripisyo para maitaguyod ang pamilya

- Labis ang pagtataguyod ng isang nanay na kundoktora para sa pamilya niya

- Hindi man nakapagtapos ng pag-aaral si Eunice, napagtapos naman niya ang kanyang anak

- Grumaduate ang panganay niya na may honors mula sa University of the Philippines-Diliman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng isang kunduktora ng bus ang kanyang kwento bilang isang ina.

Nalaman ng KAMI na 7 ang anak ni Eunice at ang panganay niyang anak ay kanyang napagtapos sa University of the Philippines-Diliman.

Ayon sa video na pinost ng TV at radio anchor na si Julius Babao, may latin honors din ang panganay ni Eunice nang grumaduate ito.

Para akong nanalo sa lotto kahit na wala akong pera. Ang mahalaga, si Raymond, nakatapos,” masayang sinabi ni Eunice.

Labis nga ang sakripisyo ni Eunice para sa kanyang pamilya. Ang asawa naman niya ay isang house husband.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ibinahagi rin ni Eunice ang mga kapahamakan na dulot ng kanyang trabaho. Ilang beses na umano sila nabiktima ng mga masasamang tao sa loob ng bus. Mabuti na lang ay ligtas pa rin sila.

Nagpasalamat ako. Sabi ko, ‘Lord, salamat naman, pinakinggan mo ang dasal ko,’ kasi delikado, sir. Baka may mamatay sa amin o ano,” giit ni Eunice.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagbigay din ng payo si Eunice upang maging matagumpay ang pamilya.

Magsikap sila. Mag-aral silang mabuti. Kung maaari lang, ‘wag munang magbabarkada. I-focus muna nila ang pag-aaral,” sabi ni Eunice.

Kasi sabi ko sa kanila, ‘‘Pag may pinag-aralan kayo, may kinabukasan kayo. ‘Yung pinag-aralan niyo ‘yung ‘di kaya nakawin,” dagdag niya pa.

Kahit na highschool graduate lang ang tinapos ni Eunice, importante para sa kanya na mapagtapos niya ng pag-aaral ang mga anak niya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: "Add Me On Facebook" –Kris Aquino To Single Men! Kris Aquino encouraged single men to add her on Facebook and this caused a lot of noise on social media – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel