Eskwelahang pag-aari raw nina Anjo, Ryan at Jomari Yllana, ipina-Tulfo

Eskwelahang pag-aari raw nina Anjo, Ryan at Jomari Yllana, ipina-Tulfo

-Inireklamo ng ilang estudyante ang eskwelahang pag-aari raw ng Yllana brothers

-Sa tulong ng programa ni Raffy Tulfo, nagkaroon ng pagkakataon ang mga ito na marinig ang kanilang hinaing

-Nakarating na rin sa NBI sa Lucena kung saan nakatayo ang eskwelahan ang reklamo laban dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa programang Aksyon sa TV5 unang idinulog ng ilang estudyante ang reklamo nila sa eskwelahang pag-aari ng celebrity siblings na sina Anjo, Ryan at Jomari Yllana.

Ayon sa pahayag ng mga estudyante, nadiskubre nila na hindi pala nakarehistro sa TESDA nag eskwelahang pag-aari ng mga Yllana.

Kunumpirma rin ito ng TESDA kay Raffy Tulfo sa panayam sa mga ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon pa sa isang opisyal nito, nakipag-ugnayan pa noong una ang pamunuan ng paaralan ngunit bigla na lang naglaho nang maidulog na kay idol Raffy ang reklamo.

Nang balikan naman ang eskwelahan, napag-alaman na nakasara na ito.

Ayon sa ilang residenteng malapit sa lugar, may ilang buwan na rin daw nang maghakot ang mga ito mula sa gusali.

Samantala, sa tulong na programa ni idol Raffy, nadala ng mga nagrereklamong estudyante ang reklamo sa NBI.

Dito nagbigay sila ng salaysay kaugnay ng reklamo laban sa pamunuan ng eskwelahan.

Hihintayin na lamang na sumagot ang mga taong sangkot sa reklamo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Anjo Yllana ay isang Filipino actor-comedian at politician.

Kapatid nito sina Jomari, Ryan at Paulie Yllana.

Isa si Anjo sa mga hosts ng longest-running noontime variety show na Eat Bulaga.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Add Me On Facebook - Kris Aquino To Single Men

Kris Aquino encouraged single men to add her on Facebook and this caused a lot of noise on social media. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel