Nakakabahala! Sunog sa Star City, umabot sa 5th alarm

Nakakabahala! Sunog sa Star City, umabot sa 5th alarm

- Umabot na sa ika-limang alarma ang sunog sa Star City compound

- Nagsimula ang sunog, gabi ng Martes, October 1

- Ayon sa Pasay City Fire Marshal, umabot na sa 60 porsyento ng infrastructure ang nasira dahil sa sunog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umabot sa Task Force Bravo ang sunog sa Star City compound sa Pasay City ayon sa mga opisyal bandang 2:25 ng umaga.

Base sa ulat ng GMA News, sinabi ni Pasay City Fire Marshal Superintendent Paul Pili na kinailangan nila ng dagdag na fire trucks sa lugar.

Ayon sa ulat, sa huling update ni Superintendent Pili bandang 3:05 a.m., tinatayang nasa 60 porsyento na ng infrastructure sa Star City compound ang nasira dahil sa sunog.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ang Manila Broadcasting Company (MBC) building ay napinsala na rin.

Sa isa namang ulat ng Inquirer, sinabi ni Senator Richard Gordon na nag-deploy na ng dalawa pang fire trucks at dalawang ambulansiya ang Philippine Red Cross sa lugar.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang ulat kung saan nagsimula ang sunog.

Hindi pa rin naiulat kung gaano na kalaki ang napinsala sa lugar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Add Me On Facebook - Kris Aquino To Single Men

Kris Aquino encouraged single men to add her on Facebook and this caused a lot of noise on social media. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel