Netizen, biktima umano ng road rage at inambahan ng baseball bat ng motorista

Netizen, biktima umano ng road rage at inambahan ng baseball bat ng motorista

- Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang naging karansan sa road rage

- Bigla na lang daw siya inambahan ng baseball bat ng isang motorista

- Kasama pa umano ng netizen ang kanyang 77 anyos na lola nang mangyari ang insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagkwento sa social media ang isang netizen ukol sa umano’y pagiging biktima niya ng road rage.

Nalaman ng KAMI na naka-park lang daw si Mickey Caro nang bigla siyang babaaan ng driver na katabi ng kotse niya.

“Hindi ko alam kung pano ko sya nagitgit or what. Nagpark lang ako sa mercury drug tapos binabaan ako. Inambahan ng baseball bat,” giit ni Mickey.

“Late ko na navideohan dala ng takot. Nanginginig pa nga ako. Hahaha. Kasama ko pa lola ko. Aambahan ako. Hahaha,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Makikita nga sa Facebook video na pinost ni Mickey na may baseball bat ang lalaking nakasagutan niya.

Kwento pa ng netizen, mabuti na lang ay mabilis na lumapit ang gwardiya sa kanila upang umawat.

"Sana wag ganyan ugali mo kapag kasama mo sa kotse mo mga pamilya mo. Nakakatakot po. Kasama ko lola ko. 77y.o tapos papaluin mo kami? Nice one kuya. Nice one,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tila hindi rin natuwa ang mga netizens sa ginawa ng isang driver. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Kahit anong defensive mo may mga ganyan talagang driver. Kaya doble ingat.”
“Halla grabe Naman yon! Di na siya naawa sa matanda”
“Ingat ka kuya. Kasuhan mo yn. Buti nlng wlang sakit sa.puso c lola.”
"Ingat sir lalo mga ganyan kayabang, kukuha ng hulagan na kotse tapos feeling mayaman na ahente.”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel