Public school teacher, hinihinalang tinangay ng Abu Sayyaf

Public school teacher, hinihinalang tinangay ng Abu Sayyaf

- Hinihinalang kinidnap ng grupong Abu Sayyaf ang isang public school teacher sa Jolo, Sulu

- Ayon sa ulat, tinangay ng grupo ng kalalakihan ang ginang sa harap ng Mt. Carmel Catholic Church

- Sabi ng anak ng biktima, nakatanggap pa ito ng tawag mula sa ina, Sabado ng gabi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang public school teacher ang hinihinalang tinangay ng grupong Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu noong Biyernes sa harap ng Mt. Carmel Catholic Church.

Base sa ulat ng Manila Bulletin (Author, Nonoy Lacson), kinilala ang biktima na si Rosina Ejansantos Singua, 58-anyos at guro sa Culianan Elementary School.

Ayon sa ulat, September 27, Biyernes, nang umalis sa kanilang bahay si Singua para dumalo sa isang kasalan kasama ang isang babaeng kaibigan sa Dipolog City.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Hindi pa matukoy kung paanong napunta ang biktima at ang kaibigan nito sa Jolo, Sulu na kilalang kuta ng nasabing grupo.

Sabado ng gabi nang makatanggap ng tawag mula sa ina ang anak nito na si Sherwin Ejansantos Singua para sabihing kinidnap ito ng grupo ng kalalakihan noong Sabado sa harap ng nasabing simbahan.

Ayon sa anak nito, sinabi rin ng ina na humihingi ng ransom ang mga tumangay rito, kapalit ng kanyang kaligtasan.

Sinabi rin nito na tatawag itong muli pagkatapos ng apat na araw para sa update sa ransom na hinihingi ng mga kidnappers.

May isa rin daw lalaking tumawag sa anak ng biktima para sabihing huwag magsusumbong sa mga pulis.

Ayon kay Police major Chester Natividad, chief ng Culianan police station, sa takot para sa kaligtasan ng nanay hindi nagsumbong sa pulis sa nasabing lugar ang anak ng biktima.

Sa halip ay inireport nito ang insidente sa Police Anti-Kidnapping Group (AKG) sa Camp Crame, Quezon City.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang inisidente.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isa pang ulat ng KAMI, isang Koreano ang nagpanggap na na-kidnap para makahingi ng ransom sa magulang.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Add Me On Facebook - Kris Aquino To Single Men

Kris Aquino single men to add her on Facebook and this caused a lot of talking in social media. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel