Iba pang kadete na suspek sa pagkamatay ni Cadet Dormitorio, pinangalanan na
- Pinangalanan na ng PNP ang iba pang kadete na sangkot sa brutal na pagpapahirap at pagkamatay ni Darwin Dormitorio
- Ibinahagi rin ng pulisya kung ano ang naging kontribusyon ng mga ito sa pagpapahirap sa kapwa kadete
- Mas lalo namang nasaktan ang pamilya nang malaman ang mga pahirap na dinanas ng yumaong binata
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Pinangalanan na ng Philippine National Police (PNP) Baguio City ang iba pang suspek na sangkot sa brutal na pagpapahirap at pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.
Base sa report ng GMA News TV, September 14 nang balutin ng plastic ang ulo ni Dormitorio habang nakatali ang mga kamay ni Cadet 3rd Class John Vincent Manalo, kasama sina 3rd Class Cadets Felix Lumbag Jr. at Shalimar Imperial na una nang tinukoy ng pulisya, na una nang naibalita ng .
September 17 ng umaga nang pahirapan nina Cadet Lumbag at Imperial si Dormitorio sa utos ni Cadet 1st Class Axl Rey Sanopao dahil sa nawawalang combat boots.
Nasundan ito ng pagmamaltrato ni Cadet 2nd Class Christian Zacarias. Matapos nito, dinala na sa PMA Station Hospital si Dormitorio dahil sa matinding pananakit ng tiyan.
Hapon ng parehong araw, nang ma-discharge ito at na-diagnose na mayroon lang daw urinary track infection ayon sa doktor na sumuri rito.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Pagbalik galing sa ospital, habang nagpapahinga sa kanyang kwarto, sinipa naman ito sa ulo ni Cadet 3rd Class Rey David John Volante.
Bago maghatinggabi, kinuryente naman ni Cadet 3rd Class Julius Carlo Tadena ang maselang bahagi ng katawan ni Dormitorio.
September 18 ng umaga, unresponsive na ang kadete at wala ng pulso nang isugod sa ospital. 5:15 ng umaga, binawian na ito ng buhay.
Mas lalo namang nasaktan ang pamilya ni Dormitorio matapos malaman ang mga pagpapahirap na dinanas ng yumaong kadete.
Bukod sa paglabag sa Anti-Hazing Law, plano na rin ng pulisya na sampahan ng kasong murder ang mga suspek. Pinag-aaralan din kung maaaring kasuhan ang mga ito sa paglabag sa Anti-Torture Act.
Pananagutin din ang mga doktor sa PMA Hospital na sumuri kay Dormitorio noong August at September.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Showbiz Kami: Add Me On Facebook - Kris Aquino To Single Men
Kris Aquino single men to add her on Facebook and this caused a lot of talking in social media. -on KAMI
Source: KAMI.com.gh