Angkas rider, humingi ng paumanhin sa di pagtanggap nito ng bayad ng estudyante

Angkas rider, humingi ng paumanhin sa di pagtanggap nito ng bayad ng estudyante

- Laking gulat ng isang college student nang di tanggapin ng Angkas rider ang kayang bayad

- Pinaliwanag ito ng Angkas rider na siyang naging dahilan naman kumbakit siya hinangaan ng estudyante

- Nagbilin pa itong sa iba na lang ibalik ng estudyante ang kabutihan na nagawa niya para rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang karanasan ng isang college student sa pagsakay niya ng Angkas papasok sa kanyang paaralan sa Centro Escolar University sa Makati.

Biinahagi muli ng Philippine Star ang viral post ni Aira Artugue na isang International Hospitality Management student sa nabanggit na unibersidad.

Nalaman ng KAMI na laking gulat ni Aira nang tanggihan ng rider na si Jester Carillo ng Angkas ang bayad niya mula papasok sa paaralan.

Paliwanag ni Jester, di raw talaga siya tumatanggap ng bayad kapag estudyante ang kanyang nagiging pasahero.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Doon pa lamang ay humanga na si Aira sa kabutihan ng Angkas driver.

Humingi pa ito ng paumanhin na di siya tumatanggap talaga ng bayad mula sa estudyante bilang tulong na rin niya sa mga ito.

Nagbilin pa itong mag-aral daw si Aira ng mabuti at sa iba nalamang daw ibalik ang kabutihan niyang nagawa sa estudyante.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Yung mga katulad niya po ‘yung mga dapat nating maging inspirasyon upang maging isang marangal at mabuting tao,” ang mensahe naman ni Aira sa mabait na rider.

Dahil dito, marami rin ang humanga sa kabutihang ipinakita ng rider na sana raw ay pamarisan ng nakararami.

Umabot na sa 24,000 na mga positibong reaksyon ng post at 3,800 na mga komentong puro pagsaludo sa ginawa ng rider.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel