Good vibes lang! Lola na tindera, mabenta ang cute na ngiti sa kanyang mga customers

Good vibes lang! Lola na tindera, mabenta ang cute na ngiti sa kanyang mga customers

- Mabenta ang ngiti ng isang 83 anyos na lola sa mga customers niya

- Kaya naman marami sa mga ito ang pabalik-balik sa kanyang tindahan

- Natuwa rin ang mga netizens sa good vibes na dala ni Nanay Daling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lola na tindera sa Caloocan ang naging kilala dahil sa kanyang cute na cute na smile.

Nalaman ng KAMI na talagang binabalik-balikan si Nanay Daling ng mga kanyang customers dahil sa ngiti niyang may dalang good vibes.

Subalit, ayon sa video post na ibinahagi ng TV and radio anchor na si Julius Babao, may mga pagkakataong naloloko rin si Nanay Daling pagdating sa paninda niya.

Noong may bumili raw sa kanya noon, imbis na P150 ang ibayad, P20 lang ang ibinigay.

“’Pag may magbabayad sakin ng singkwenta, tinitignan ko na. Pero hindi ako nagalit, sir. Sabi ko, ‘siguro walang pera ‘tong batang ‘to.’ Kasi sir kung magagalit ka, lalo lang sasama ‘yung loob mo ‘di ba? Daanin mo na lang sa smile,” giit niya.

“’Yun nga lang bente-singkong buo at saka ‘yung piso palagi akong napapalusutan, eh,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pero kahit na matanda na siya at mahirap ang buhay, patuloy pa rin ang pagngiti ni Nanay Daling.

Natuwa naman ang mga netizens sa smile ni nanay. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Ang bait ni nanay god bless you”
“Smiling c Lola... Ang ngiti kc nkakagaan ng kalooban mas madali kang mkalapit s tao...”
“Da best ka nanay. Ang lakas mopa swerti nman ng mga anak mo syo.god bless ka nay Na touch tlaga ako syo?”
“smiling lola.pag ganyan tindera mapapabili ka”
“83na c nanay hindi po halata. Smile lang para laging happy”
“Masayahin si nanay,,,masarap bumili sa tindahan ni nanay”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel