Vina Morales, may isiniwalat tungkol sa kanyang love life

Vina Morales, may isiniwalat tungkol sa kanyang love life

- Vina Morales, may ibinahagi kaugnay sa kanyang buhay pag-ibig

- Ito ay isiniwalat ni Vina sa formal launching ng renovated branch ng kanyang negosyo

- Naging open at straightforward naman ang multi-awarded star kaugnay dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Vina Morales, may isiniwalat ang multi-awarded star tungkol sa kanyang love life o buhay pag-ibig na naispatan ng KAMI.

Vina Morales, may isiniwalat tungkol sa kanyang love life

Source: Instagram/Vina Morales
Source: Instagram

Bungad na bulalas pa ni Vina sa interview ng entertainment press sa kanya sa launching ng newly renovated branch ng kanyang salon:

"Pagdating sa love life, bokya!"

Napuno naman ng tawanan ang nasabing panayam ni Vina na game na game na sumagot sa katanungan tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Wala raw pagbabago sa love life niya.

Patuloy pa ni Vina:

"Hindi ko nga maintindahan kung bakit. I also ask myself why, but maybe, I always say na lang, parang sinasabi ko na lang sa sarili ko 'in God's time' kasi kung ipilit ko baka mali pa pa yung mapunta sa akin uli."

Dagdag pa ni Vina:

"Kasi ginawa ko na yun noon. Pinipilit ko yung baga-bagay. Eh, hindi naman talaga uukol. So talaga, it ends up na hindi kami nagkatuluyan at magulo pa."

Dito ay tinanong rin kay Vina tungkol sa lalaki sa Tate na kasama niya sa viral photo.

Ani niya kaibigan lang niya ito at huwag na lang daw pag-usapan dahil private person umano ito.

"We're good friends. Mahirap yun malayo na naman."

At sa huli ay sinabi niya na mahirap talaga ang LDR dahil may anak siya at mga negosyo dito sa bansa bukod pa sa showbiz works niya.

Saad pa niya:

"LDR doesn't work for me. I just have to wait for someone from here."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Mukhang nakahanap naman ng kanyang life partner ang isa pang single mom gaya ni Vina na si Valerie Concepcion.

Sa katunayan ay viral na ang prenup video ni Valerie Concepcion sa non-showbiz beau sa online world.

Panoorin ang sagot ni Vina sa tanong tungkol sa kanyang love life sa babang video sa timestamp 12:20:

Vina Morales, singer, actress, model, at businesswoman na unang naispatan sa 1985 film na Binhi at mas lalong nakilala at sumikat sa That's Entertainment show ni German "Kuya Germs" Moreno. Si Vina ay ipinanganak sa Bogo City, Cebu at nakakabatang kapatid niya ang 'Nang Ngumiti ang Langit' star Shaina Magdayao.

POPULAR: Read more news about Vina Morales here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask Tricky Questions to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel