Ina at isang millennial, ibinahagi ang kanilang makulay at nakakakilig na love story

Ina at isang millennial, ibinahagi ang kanilang makulay at nakakakilig na love story

- Tila hindi naging karaniwan ang naging love story ni Yvette at Jesse

- 44 years old na si Yvette at may 4 na anak, si Jesse naman ay 28 taong gulang

- Maging ang mga netizens ay kinilig sa love story nilang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pangkaraniwan ang naging love story ni Yvette at Jesse.

Nalaman ng KAMI na halos 16 years ang pagitan ni Yvette na 44 years old at ni Jesse na 28 years old.

Ayon sa ulat ng Kapuso Mo, Jessica Soho, may apat na anak na si Yvette at 5 years lang ang tanda ni Jesse sa panganay nito.

Hindi naging maganda ang naging ending ng relasyon ni Yvette sa kanyang unang naging mister. Kaya naman bumalik ito sa kanyang true love, ang teatro. Doon na nagkakilala si Yvette at Jesse.

Aminado naman ng lalaki na “babaero” siya at madaling ma-attract sa ibang babae. Subalit, nag-iba raw ang lahat nang makilala niya si Yvette.

Hindi naging madali para sa kanilang dalawa ang relasyon nila, lalo na nga at may mga taong hinuhusgahan ang layo ng kanilang edad.

Pero, hindi naman naging hadlang ang pambabatikos ng ibang tao sa pagmamahalan nila.

Nilinaw ni Jesse na hindi naman pera ang habol niya kay Yvette at mahal niya talaga ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nahirapan din ang mga anak ni Yvette na tanggapin ang mga pangyayari, pero dahil gusto nilang maging masaya ang nanay nila, tinanggap na lang nila ito.

Sa ngayon, lumipat ng bahay si Yvette at Jesse at nagsasama na sila.

Granted na rin ang annulment ni Yvette sa kanyang dating asawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Natuwa naman ang mga netizens sa makulay na love story ni Yvette at Jesse. Narito ang kanilang ibang comments sa Facebook:

“Love knows no boundaries..and age doesn't really matter if they will love each other,forever.”
“Happy for you Yvette and Jesse.... wishing you all the best..... and both of you are so familiar, perhaps We've met already in one occasion.... Love Love Love....”
“Madami na namang magsasabi ng ‘sana all’.”
“Age are just numbers and it doesn’t matter when it comes to love.”
“Sana mag tagal kc bata pa si boy at marami pa silang mapagdaanang pagsubok sa buhay sana malampasan nila yun na mag kasama parin”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel