DOTr, may babala sa mga sasali sa tigil-pasada ngayong Lunes

DOTr, may babala sa mga sasali sa tigil-pasada ngayong Lunes

- Nagbabala ang DOTr na kakanselahin ang prangkisa ng lahat ng mga sasali sa tigil-pasada ngayong Lunes

- Kaugnay ito ng jeep modernization program na planong ipatupad ng gobyerno

- Ilang lugar na sa bansa ang nagkansela ng klase dahil sa malawakang transport strike

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) na kakanselahin ang prangkisa ng lahat ng mga sasali sa malawakang tigil-pasada ngayong Lunes.

Kaugnay ito ng jeep modernization program na planong ipatupad ng gobyerno.

“Kapag ito’y idinaan nila sa isang strike or tigil-pasada ‘yan, mangyayari makakansela ‘yung kanilang mga prangkisa. ‘Yun ang reminder ng ating departamento sa mga magsa-strike,” sabi ni DOTr Undersecretary Mark De Leon sa panayam dito ng dzBB.

Sabi pa ni De Leon, matagal na nilang nasagot ang mga ipinoprotesta ng mga grupong Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), Stop & Go Coalition, at ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na nang-anunsiyo nang magsasagawa ng kilos-protesta, ayon sa ulat ng GMA News.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

“2017 pa natin sinabi na magkakaroon tayo ng modernization program, simula noong napirmahan yung Omnibus Franchising Guidelines. So [from] June 2017, we gave them three years until July 2020 to modernize. Ngayon, kailan pa ba natin makakamit itong modernization na ito kung babagal-bagal tayo?” anito.

Bukod daw sa jeep modernization, nais din ng DOTr na mabago na ang proseso ng mga operators.

“Hindi lang basta basta pinapalitan ‘yung makina, kailangan palitan ‘yung buong sistema ng jeepney. And I don’t think may ganyan nang teknolohiya na pwedeng i-rehabilitate lang ‘yung jeepney. It should be a holistic transformation of this jeepney,” anito.

“Binabago rin natin ‘yung how operators operate the jeepneys. Gusto natin cooperative na, gusto natin mas maayos ‘yung kanilang dispatching system kaya mas magiging organisado ‘yung ating pagserbisyo sa mga public commuters,” dagdag pa ng undersecretary.

Nagpaalala naman ang Malacañang na isagawa ang kilos-protesta sa mapayapang paraan.

Sa isa pang ulat ng KAMI, ilang lugar sa bansa ang nagkansela ng klase ngayong Lunes kasunod ng nakakasang transport stike.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jacob Batalon’s First Reaction When He Got The Role In Spiderman

HumanMeter was lucky to ask Jacob Batalon, who plays Spiderman’s friend Ned Leeds, several questions when he visited the Philippines. Also, check out his message to Filipino fans. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel