Panibagong update sa kaso ni Cadet Dormitorio, mas nakapanlulumo

Panibagong update sa kaso ni Cadet Dormitorio, mas nakapanlulumo

- May panibagong natuklasan ang PNP kaugnay sa pagpapahirap na dinanas ni PMA Cadet Darwin Dormitorio

- Una nang naibalita na nadagdagan pa ng isang suspek ang anim na kadeteng sangkot sa pagkamatay ni Dormitorio

- Pinag-aaralan na rin ng PNP kung posibleng masampahan ng kasong murder ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May panibagong update ang Philippine National Police (PNP) Baguio City kaugnay sa dinanas na pagpapahirap at pangmamaltrato sa namayapang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na si Darwin Dormitorio.

Bukod pala sa pagsuntok, pagsipa at pangunguryente rito, naranasan din pala nito ang balutin ang ulo ng plastic habang nakatali ang mga kamay, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Base ito sa ginawang pag-iimbestiga ng pulisya mula noong bago ito ma-ospital noong Agosto hanggang September 17, isang araw bago ito bawian ng buhay.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

"Nag-backtrack po tayo days from August 19 hanggang sa September 17. At meron pa tayong mga insidente na nakukuha po na kung saan meron pang isang kadete na... bumalot sa ulo ni Dormitorio gamit po ang isang makapal na [plastic] kung saan nahirapan pong huminga ang kadete...

"Nilagay sa mukha ni cadet Dormitorio habang nakatali ang kaniyang kamay sa kanyang ulo," ayon kay Baguio City Police Office director Police Col. Allen Rae Co.

"Itong mga same personalities ay tuloy-tuloy pong ginagawa itong pagmamaltrato kay cadet Dormitorio...

"Ito po ay ma-establish natin basically na paulit-ulit ginawa kay Dormitorio, we could say na unti-unting nagpapahina kay Dormitorio," ani pa nito.

Pero paglilinaw ni Co, wala itong kaugnayan sa araw ng pagkamatay ni Dormitorio bagamat isa itong patunay na ilang beses pinahirapan ang nasawing kadete.

Una nang naibalita ng KAMI na nadagdagan pa ng isa ang anim na suspek na sangkot sa pagkamatay ni Dormitorio.

Samantala, bukod sa paglabag sa Anti-Hazing Law, pinag-aaralan na ng pulisya kung maaaring sampahan ng kasong murder at paglabag sa Anti-Torture Act ang mga suspek.

Nananawagan naman ng patuloy na suporta at panalangin ang pamilya Dormitorio, na una nang naibalita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jacob Batalon’s First Reaction When He Got The Role In Spiderman

HumanMeter was lucky to ask Jacob Batalon, who plays Spiderman’s friend Ned Leeds, several questions when he visited the Philippines. Also, check out his message to Filipino fans. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel