Mister, naghinala at hindi na raw nagparamdam kay misis dahil sa gulay

Mister, naghinala at hindi na raw nagparamdam kay misis dahil sa gulay

- Umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang ginang para ireklamo ang dati nitong kinakasama

- Bigla na lang daw kasi itong hindi nagparamdam sa kanila at naputol na ang sustento

- Giit naman ni mister, dahil sa "gulay" kaya siya tinabangan sa ginang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umiiyak na dumulog sa programang Aksyon ang ginang na si Ginalyn Landasay para ireklamo ang dating kinakasama na si Hermilando Amado Jr.

Bigla na lang daw kasi itong hindi nagparamdam at naputol na rin ang ibinibigay na sustento sa kanila.

Nang makausap pa raw ang lalaki ay kung anu-anong masasakit na salita pa ang sinabi nito.

Depensa naman ni Amado, nabalitaan umano nito na may lalaki si Landasay at doon pa raw natulog ang ginang sa bahay nito sa bundok.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ngunit ayon kay Landasay, kaya siya naroon sa bundok ay dahil kinailangan niyang kumayod para may maipakain sa mga anak.

Umani raw kasi siya at iba pa ng gulay doon na paghahatian nila ng lalaking may-ari ng lupa.

Kasama rin daw niya ang isa sa mga kaanak ni Amado at kanilang mga anak.

At kahit pa nga isang linggo pa lang siyang nanganganak noon ay umakyat na siya sa bundok dahil walang-wala silang makain.

Dahil walang ebidensiya at basehan, tinawag na "tsismis" lamang ito ni Raffy Tulfo.

Katunayan ay si Amado na raw ang may iba nang kinakasama ayon kay Landasay.

Nais lang daw ng ginang ng tamang sustento.

Noong una at hindi pa sumang-ayon si Amado sa halagang P6,000 na hinihingi ni Landasay.

Pero sa tulong ni idol Raffy ay maghaharap ang dalawa para pag-usapan ang nararapat na gawin ng mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jacob Batalon’s First Reaction When He Got The Role In Spiderman

HumanMeter was lucky to ask Jacob Batalon, who plays Spiderman’s friend Ned Leeds, several questions when he visited the Philippines. Also, check out his message to Filipino fans. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel